• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P3-B budget, inilaan para sa fuel subsidy ngayong taon- Malakanyang

NAGLAAN ang pamahalaan ng P3 bilyong pisong budget para sa fuel subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.

 

 

Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong big-time price hike para sa pitong sunod-sunod na linggo sa kabila ng supply constraints sa global market.

 

 

“Ang budget law natin for 2022 which is the General Appropriations Act of 2022, mayroon pong mga nakalaan diyan na para sa mga  fuel subsidy,” ayon kay Nograles.

 

 

Sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) budget, sinabi ni Nograles na may kabuuang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa financial assistance at fuel vouchers sa mga kuwalipikadong public utility vehicles, taxis, tricycles, full-time ride-hailing delivery service drivers na apektado ng oil price hike.

 

 

Ani Nograles, ang implementasyon ng programa ay “subject to the guidelines issued by the DOTr, Department of Energy (DOE) and Department of Budget and Management (DBM) and when the average Dubai crude oil price based on Mean of Platts Singapore or MOPS for three months reaches or exceeds USD80 per barrel.”

 

 

Aniya pa, isa pang panibagong P500 milyong piso sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang inilaan naman para sa pagbibigay ng fuel discounts sa apektadong magsasaka at mangingisda.

 

 

Ang fuel discount, aniya pa ay ibibigay “provided that the farmer or fisherfolk beneficiary owns and operates an agricultural and fishery machinery individually or through a farmer organization, cooperative or association; provided further that in case of fisherfolk, their fishing vessels are duly registered in the Integrated Boat Registry System or DA-BFAR’s BOATR.”

 

 

Aniya, ang mga magsasaka at kanilang organisasyon ay dapat na makapagpakita ng proof o pruweba na sila ang nagmamay-ari ng farm machinery.

 

 

“So may conditions set before ma-trigger itong tinatawag na  fuel subsidy. So apart from that, bago tumama po iyan ay patuloy naman po na pinag-uusapan ang iba pang mga mekanismo at tulong na maaari nating ibigay sa mga lubos na maaapektuhan,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na tinutugunan na ng pamahalaan ang epekto ng oil price hike, partikular na ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

“Iyong DTI [Department of Trade and Industry] po ay nag-update na po ng kanilang mga suggested retail price para sa mga basic necessities and prime commodities po natin,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, matapos ang isang round ng upward adjustments, dapat asahan ng mga motorista ang panibagong sunod-sunod na big-time na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo, ayon sa projections ng Unioil Petroleum Philippines.

 

 

Sa pagtataya nito sa presyo ng petrolyo para sa Pebrero 15 hanggang 21 trading week, sinabi ng Unioil na maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.10 ang presyo kada litro ng diesel.

 

 

Ang presyo ng gasolina, sa kabilang banda, ay maaaring tumaas ng P1.10 hanggang P1.20 kada litro.

 

 

Ang mga kumpanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng mga pagsasaayos ng presyo tuwing Lunes upang maging epektibo sa susunod na araw.

 

 

Kung maalala, epektibo noong Pebrero 8, ang mga kumpanya ng gasolina ay nagtaas ng presyo ng gasolina ng P1.05 kada litro at diesel ng P1.20 kada litro.

 

 

Ang year-to-date adjustments ay nasa kabuuang net increase na P6.75 kada litro para sa gasolina at P9.15 kada litro para sa diesel. (Daris Jose)

Other News
  • Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19

    NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.   Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.   Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]

  • SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN

    PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 […]

  • Doon ang taping ng reality-game show na ‘Running Man PH’: GLAIZA, naging emosyonal nang malamang pupunta sila sa South Korea

    NAGBIBILANG na ang netizens kung ilang gabi na lamang nilang mapapanood ang magtatapos na hit GMA primetime series na First Lady tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.     Sunud-sunod na kasi ang mga pangyayari na talaga namang kakabahan ang mga viewers, at naghihintay sila lagi kung ano ang susunod na pasabog. Kaya naman, […]