Huling quarterfinals slot hinablot ng E-Painters
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
KASABAY ng panalo ng Rain or Shine ay ang tuluyan nang pagkakabuo sa eight-team quarterfinal round.
Nakahugot ng inspiradong laro mula kay James Yap, pinabagsak ng Elasto Painters ang TNT Tropang Giga, 80-74, para ibulsa ang No. 8 ticket sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.
Tumapos ang two-time PBA MVP na si Yap na may 16 points tampok ang apat na three- point shots para sa 6-4 baraha ng Rain or Shine na tuluyan nang sumibak sa NLEX (4-6).
Ang kabiguan naman ng TNT Tropang Giga (7-4) ang posibleng magkait sa kanila ng silya sa Top Four, makakakuha ng ‘twice-to-beat’ incentive.
“Sabi ko we have to grab the opportunity now,” wika ni coach Caloy Garcia. “We have to be hungrier than TNT. I think what TNT did today was to practice their plays, give minutes to the other players.”
Bukod sa Road Warriors ay talsik na rin sa torneo ang Blackwater Elite (2-8), NorthPort Batang Pier (1-8) at Terrafirma Dyip (1-8).
Sa likod ng apat na triples ni Yap ay nakuha ng Elasto Paint- ers ang 43-38 abante sa halftime na kanilang pinalobo sa 67-57 kalamangan sa pagtiklop ng third quarter.
-
Evangelista, Santor hinirang na MOS
HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Caloocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila. Nanguna ang 14-anyos na si Evangelista, Grade 10 student sa […]
-
Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR
INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system. Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines […]
-
Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo
Schedule sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum) 5:30 pm – Awarding Ceremony 6 pm – AdMU vs UP Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball […]