Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado
- Published on February 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot magpabakuna.
Sa ngayon aniya, umabot na sa 3,212 na mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ang Navobakunado na kontra Covid-19 sa lungsod.
Sabi pa niya, kung nabakunahan ang inyong anak noong nakaraang linggo, hintayin lamang po ang abiso mula sa pamahalaang lungsod kung kailan ninyo makukuha ang kanilang Happy Meal.
Muli niyang hinihikayat ang mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang kanilang mga anak para mabigyan sila ng proteksyon laban sa sakit.
Noong nakaraang Linggo ay personal na sinamahan ni Congressman John Rey Tiangco, kasama ang kanyang misis ang kanilang tatlong anak na edad 8, 10 at 11 sa Navotas City Hospital para magpabakuna kontra sa nakakamatay na virus.
“Alam po natin na walang pinipili ang Covid kaya panawagan ko sa mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang mga bata para sa kanilang proteksyon kontra sa naturang sakit at maihanda sila sa pagbubukas muli ng face to face classes,” pahayag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)
-
51% Pinoy tiwala sa vaccine program ng government – SWS
Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19. Lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na 51% ang nagsabi na nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangan ng 18 percent ang tinawag na “very confident” habang 34 naman ang medyo kampante. Samantala […]
-
PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas
PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa. “Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong Marcos bilang […]
-
126 PDLs, pinalaya ng BuCor kasabay ng paggunita sa ika- 126th PH Independence Day
Aabot sa 126 persons deprived of liberty ang pinalaya ng Bureau of Corrections kasabay ng paggunita sa ika – 126th na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw. Ayon sa ahensya, mula ng umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, umabot sa na sa kabuuang 14,324 PDLs ang nakalaya sa mga piitan sa […]