• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bolick, Ravena bibida sa 21-man Gilas pool

PINANGUNAHAN nina Philippine Basketball Association (PBA) veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort at Japan B. League star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En ang 21-man Gilas Pilipinas training team na huhugutan ng 12-man Gilas Pilipinas na didribol para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Pebrero 24-28.

 

 

Ito ang isiniwalat Martes ng gabi ng FIBA sa pool na buhat sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tatayong punong abala ng apat na araw na okasyon sa parating na Pebrero 24-28.

 

 

Bukod sa dalawang stalwart cager, swak din sa listahan ang mga taga-TNT ng PBA rin na sina Jayson William Castro, Kelly Williams, Jeth Troy Rosario, John Paul ‘Poy’ Erram, Ryan Jay Reyes, Jay-jay Alejandro, Gabriel ‘Gab’ Banal, Carl Bryan Cruz, Matthew Allen ‘Matt’ Rosser, Kib Montalbo, Brian Heruela at Glenn Khobuntin.

 

 

Ang iba pa ay kinabibilangan nina Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame, JBL campaigners Dwight Ramos ng Toyama Grouses at Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Lebron Lopez, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

 

 

Unang makakabangga ng Pinoy quintet and South Korea sa Peb. 24, India sa Peb. 25, New Zealand sa Peb. 27, at mga Koreano uli sa Peb. 28. (CDC)

Other News
  • Health Sec. Francisco Duque tinurukan na ng COVID-19 vaccine

    Matapos ang halos dalawang buwan ng COVID-19 vaccination rollout sa bansa, naturukan na ng bakuna si Health Sec. Francisco Duque III.     Biyernes  nang mabakunahan ang kalihim ng CoronaVac, ang bakuna ng Chinese company na Sinovac, sa gymnasium ng Department of Health – Central Office na isang vaccination site.     Bago mag-alas-10:00 ng […]

  • Huling quarterfinals slot hinablot ng E-Painters

    KASABAY ng panalo ng Rain or Shine ay ang tuluyan nang pagkakabuo sa eight-team quarterfinal round.   Nakahugot ng inspiradong laro mula kay James Yap, pinabagsak ng Elasto Painters ang TNT Tropang Giga, 80-74, para ibulsa ang No. 8 ticket sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, […]

  • Tokyo Olympics organizers, handang i-refund ang mga tickets

    NAG-ALOK ng refund ang organizers ng Tokyo Olympics sa mga nakabili na ng tickets sa Japan.   Ito ay dahil sa nililimitahan na lamang ang mga manonood sa bawat events dahil sa banta pa rin ng COVID-19.   Ayon sa Tokyo organizing committee na maaaring mag-refund ang mga taga-Japan na nakabili ng tickets mula Nobyembre […]