• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagtalaga ng dalawang bagong CHEd Commissioners

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong komisyonado ng Commission on Higher Education (CHEd).

 

 

Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang papalitan naman ni Canapi si Lilian de las Llagas, kung saan ang termino ay nagtapos noong sa Hulyo 21, 2021.

 

 

“The Commission thanks our outgoing Commissioners Perfecto Alibin and Lilian De Las Llagas for showing outstanding leadership and for contributing to the effective governance of the governing boards of their respective State Universities and Colleges (SUCs),” ayon kay CHEd chairman Prospera De Vera sa isang kalatas.

 

 

“I now welcome our two new Commissioners and I am confident that we all continue to learn and educate as one,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni De Vera na si Libre ay dating nagsilbi bilang Vice President for Communications and External Affairs sa Jose Maria College Foundation, Inc. sa Davao City.

 

 

Habang si Canapi naman ay pangalawang pangulo ng University Of Rizal System (URS) at nagsilbi rin bilang Vice President ng Academic Affairs sa University of Makati.

 

 

Nagsilbi rin siya bilang Vice President for Academic Affairs ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

 

 

Sina Libre at Canapi ay kapuwa sumama kina De Vera at Commissioners Ronald Adamat at Aldrin Darilag sa CHEd. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, sinaksihan ang paglagda sa Cooperation Agreement para makapagtayo ng “first cancer hospital” sa Pinas

    SINIMULAN na ng AC Health and Varian Medical Systems ang groundbreaking partnership  na naglalayong  i-improve o ayusin ang access sa de-kalidad na  cancer care sa Pilipinas.     Ang pagpirma sa cooperation agreement ay sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr.  sa Ritz-Carlton Hotel sa sidelines ng  kanyang naging partisipasyon sa  2023  Asia Pacific Economic Cooperation Summit […]

  • Letran target ang 8th win

    PAKAY ng defending champion Colegio de San Juan de Letran na ma­sikwat ang ikawalong panalo sa pagharap nito sa Arellano University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.   Magpapang-abot ang Knights at Chiefs sa alas-3 ng hapon matapos ang pukpukan ng Jose Rizal […]

  • Pagtatanggal sa mga corrupt sa PHILHEALTH, mas magiging madali kung matutuloy ang pagbuwag dito – Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, mas madaling tanggalin ang bulok sa PHILHEALTH sa sandaling matuloy ang pagbubuwag dito.   Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng inaasahang malawakang sibakang gagawin sa ahensiya dahil sa isyu ng korupsiyon.   Ani Sec. Roque, kapag na- abolish na ang PHILHEALTH ay mas madali nang […]