‘Double cross’ sinisilip sa pagkawala ng 29 sabungero
- Published on February 19, 2022
- by @peoplesbalita
TINITINGNAN ngayon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng 29 sabungero sa Metro Manila at tatlong probinsiya.
Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na ‘tyope’ o “ double cross” ang ugat ng mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Paliwanag niya sa ‘tyope,’ ang mga sabungero ay tumataya sa manok ng kalaban sa halip na sa kanilang mga panabong.
Ang unang insidente ay sa Manila Arena noong Enero 14 at sinundan pa ng katulad na insidente sa Laguna, Batangas at Rizal.
Dagdag pa ni Ferro, may isang operator na umatras sa taya na P200 milyon at hindi na rin ito matagpuan.
Karamihan din aniya sa mga nawawala ay sangkot sa online sabong.
-
World’s No. 1 Djokovic, todo sorry kaugnay sa naitalang COVID-19 infections sa sariling tennis tourney
Labis ngayon ang paghingi ng paumanhin ni top-ranked tennis player Novak Djokovic sa mga players na nagkaroon ng COVID-19 na lumahok sa inilunsad nitong Adria Tour tennis tournament. Pahayag ito ni Djokovic matapos na kumpirmahin nito na dinapuan din siya at ang kanyang asawang si Jelena ng deadly virus. Matatandaang umani si Djokovic […]
-
Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang
NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan. Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19. Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]
-
Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni hall of famer boxer Curtis Cokes, 82
Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Hall of Famer at dating welterweight champion Curtis Cokes sa edad 82. Ayon sa kaniyang anak, hindi na nito nakayanan ang kaniyang heart failures. Mula sa kapwa boksingero hanggang sa mga boxing fans ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga kaanak ni cokes. Ipinanganak noong Hunyo […]