• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.

 

Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, inanunsiyo nito na magsasagawa ng tradisyunal na “Simbang Gabi” sa Kartilya ng Katipunan sa tulong ng pamunuan ng Quiapo Church.

 

Napag-alaman naman kay Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo, dakong- alas-8 ng gabi gaganapin ang “anticipated” Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan na sisimulan sa Disyembre 15 kung saan dadaluhan ito ng mga kawani at opisyal ng mga departamento ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Ayon pa kay Duñgo, nakatakda umano silang mag- organisa ng “coffee festival” na may temang “Kape’t Luntian” sa Bonifacio Shrine Garden sa pakikipagtulungan sa Sagada Coffee.

 

“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season. We will not be stopped by the pandemic. Ang gusto ko makita nila is welcome po sila sa Maynila. What is the purpose of government? Government is service, public service,” ani Domagoso. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads July 12, 2022

  • JIMUEL, handa nang makipagbasagan ng mukha sa loob ng ring; mas gusto ang boxing kesa mag-showbiz

    HINDI man gusto ni 8-time boxing champion na si Manny Pacquiao na may sumunod sa kanyang yapak bilang boxer, handa na si Jimuel Pacquiao na makipagbasagan ng mukha sa loob ng ring.     Nagti-training na para maging boksingero si Jimuel sa Wild Card Boxing Gym kung saan kasama niya si Jonas Sultan.     […]

  • Mga politikong ginagamit ang ‘TUPAD’ sa kampanya, tukuyin – DOLE

    Hinikayat kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III si Senador Panfilo Lacson na ibigay sa kanila ang pangalan ng mga politiko na sinabi niyang gumagamit sa TUPAD program para pilitin ang mga benepisyaryo na lumahok sa kanilang mga caravan.     “As soon as Sen. Lacson can give me the […]