• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY

HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3  ayon sa  New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec).

 

 

Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol bago, habang, at pagkatapos nilang lumahok sa mga botohan sa Mayo 9.

 

 

Para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1, sinabi ng Comelec na ang paggamit ng mga face shield ay boluntaryo, batay sa Memorandum ng Executive Secretary na may petsang 15 Nobyembre 2021, sa Protocols on the Use of Face Shields

 

 

Para sa mga botante na may temperaturang 37.5 degrees Celsius, dapat silang dalhin sa mga medical personnel na naka-deploy sa lugar ng botohan. Kung susuriin na may lagnat, maaaring pumunta ang mga botante sa Isolated Polling Places (IPP) para bumoto.

 

 

Hinihiling din sa publiko na obserbahan ang physical distancing ng hindi bababa sa isang metro.

 

 

Pagkatapos ay magpapatuloy sila sa Voters’ Assistance Desk upang makakuha ng presinto at sequence number; tumuloy sa lugar ng botohan; i-sanitize ang mga kamay sa sanitation station bago pumasok sa lugar ng botohan; ibigay ang kanilang numero ng presinto at sequence number at bumoto.

 

 

Samantala, ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ay nakiisa sa panawagan ng iba pang stakeholders para sa paghirang ng mga karampatang at tapat na kalalakihan at kababaihan sa tatlong bakanteng posisyon — Chairperson at dalawang Komisyoner — sa Comelec.

 

 

“The 2022 National and Local Elections are less than three months away, and will be conducted under extreme safety and health challenges; an open process will help reinforce public trust to the Comelec as an institution; a transparent appointment process, with focus on qualifications and suitability for the job, will help dispel concerns that the Comelec as a constitutional body will be composed of individuals that only come from the President’s hometown, or who are inside the President’s inner circle,” dagdag ng grupo

 

 

Sinabi ng Namfrel na bilang tagapangasiwa ng proseso ng halalan sa Pilipinas, “dapat palakasin ang Comelec, at dapat mag-imbita ng tiwala at paggalang ng sambayanang Pilipino.”

 

 

Sinabi nito sa pamamagitan ng pagtiyak na magiging bukas at transparent ang proseso ng appointment, mag-iiwan ang Pangulo ng pangmatagalang pamana ng isang malakas, independyente, at kapani-paniwalang Comelec.

 

 

Ang Comelec ay kasalukuyang binubuo nina acting chairperson Socorro Inting, Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay. GENE ADSUARA 

Other News
  • Agarang pagpapalabas ng tulong, mamadaliin ng DSWD

    BIBILISAN na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibilisan ang pagpapalabas ng tulong para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan ng agarang suporta sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.     Gagamitin ng departamento ang kanilang updated guidelines para rito.     Ni-review at binago kasi […]

  • Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19

    Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan.   Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo.   Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo.   Sinabi naman […]

  • May nagsara, nagbukas kay Alas

    PINAGSARHAN ng pinto ng Phoenix Superkalan LPG Fuelamsters sa Philippine Basketball Association (PBA) si Francisco Luis Alas nitong Setyembre 11.   Pero may panibagong bintana namang nagbukas para sa buhay-pamilya ng beteranong coach na nakatakdang matapos ang tatlong kontrata sa team sa darating na Oktubre 31.   “Year 2020, nawala ang trabaho ko pero tatlong […]