• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 38) Story by Geraldine Monzon

NAPAGKASUNDUAN ng mag-asawa at ng anak nilang si Bela na magpapaalam muna ang huli sa kanyang mga amo at sa tao na pinagkakautangan niya rin ng loob bago siya tuluyang sumama sa kanila.

 

Si Cecilia. Ang tao na tinutukoy ni Andrea na tumulong sa kanya mula noong mawala ang mga magulang na kumupkop sa kanya.

 

“Anong sinabi mo?” ulit ni Cecilia.

 

“Ang tunay ko pong mga magulang…natagpuan ko na sila, sa mismong harap ng tahanan namin dati.” nakangiting sagot ni Andrea.

 

Huminga ng malalim si Cecilia bago muling nagsalita.

 

“Anong balak mo?”

 

“Syempre, sasama po ako sa kanila…pero mama, hindi ibig sabihin na kakalimutan na kita. Dadalawin kita at si Lola Lucia.”

 

“Sige, mag-usap na lang ulit tayo mamaya. Kumain ka na muna.” Pagkasabi niyon ay pumasok si Cecilia sa silid ni Madam Lucia.

 

“Narinig ko ang sinabi niya.” anang matanda na nakaratay na sa banig ng karamdaman.

 

“Ito na nga ba ang sinasabi ko eh…” naupo si Cecilia sa silyang malapit sa kinahihigaan ng matanda.

 

“Cecilia, naging napakabuti mo kay Andrea…pero mula nang magkaroon ka ng pagdududa na posibleng siya ang anak nina Bernard at Angela dahil sa mga impormasyon na narinig mong pinag-uusapan noon nina Chief Marcelo at tauhan niya, nag-iba ang pakikitungo mo sa kanya…kaya ngayon na nagkatotoo ang hinala mo, anong gagawin mo? Inilayo mo na ang loob ni Andrea sa’yo kaya magiging madali para sa kanya na iwanan ka…tayo.”

 

Hindi kumibo si Cecilia.

 

“Kung ako sa’yo apo, hayaan mo na lang na tadhana ang magpasya sa lahat. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo lang sa huli. Alalahanin mo na naging mabuti sila sa’yo, gayundin si Chief Marcelo na nagbigay sa’yo ng trabaho sa kanyang opisina. At higit sa lahat, si Andrea na itinuring kang ina.”

 

Nanatili pa ring tahimik ang dalaga. Nag-iisip.

 

“Naalala ko ang kuwintas na ipinambayad ko sa kanila para sa kalayaan mo…mananatili ang hiwaga nito kaya ang mag-asawang ‘yon ay palaging pagbubuklurin ng pag-ibig kahit na anong mangyari.” patuloy pa ni Madam Lucia.

 

Pagkarinig niyon ay tumayo si Cecilia at lumabas ng silid. Sa isip ng matanda, mukhang hanggang ngayon ay nananatili pa rin si Bernard sa puso ni Cecilia kung kaya’t hindi na nito nagawang magmahal pa ng iba. At ang isiping iyon ay nagpapahirap sa kanya, lalo na ngayon na nagbalik sila sa buhay ng kanyang apo sa pamamagitan ni Andrea o ni Bela.

 

Nilapitan ni Andrea si Cecilia at niyakap ito.

 

“Andrea…”

 

“Mama Cecille, I’m sorry…sorry po sa mga panahon na hindi ako umuuwi…ngayon pong magkakalayo ulit tayo, gusto ko lang po sabihin na mahal na mahal po kita at hindi ko po makakalimutan ang pagtulong na ginawa mo para sa akin…”

 

Bumitaw si Cecilia sa pagkakayakap ng dalaga.

 

“Hindi mo kailangang alalahanin lahat ‘yon. Ituloy mo lang ang buhay mo at maging masaya ka. Sapat na sa akin ‘yon.” matigas na tugon nito.

 

“Mama, gusto rin nilang makilala ang taong naging sandalan ko sa mahabang panahon. Pumunta ka sa party na ihahanda nila para sa akin. Sayang at hindi na kaya ni Lola Lucia na bumyahe pa.”

 

“Hindi na kailangan Andrea.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Cecilia ang dalaga.

 

“Mama…” nalungkot si Andrea sa sinabi nito.

 

Nilapitan ni Regine si Bernard sa opisina nito.

 

“Yes Regine, may kailangan ka?”

 

“Nabalitaan ko kasi na magkakaroon daw kayo ng welcome party para kay Bela?”

 

Mula sa mga paperworks ay umangat ang ulo ni Bernard at tumingin sa babae.

 

“Yes. Actually nag-iwan ako ng invitation sa table mo, nakita mo na ba?”

 

“Not yet. Pero nabanggit nga sa akin ng assistant mong si Diane.”

 

“Sayang at wala na si Janine, siguradong matutuwa rin siya.”

 

“Of course. Ahm, would you mind if I help you to organize your party? Naging sideline work ko kasi dati sa America ang pagiging event organizer, that’s why I think I can give some help.”

 

“Really?”

 

“Yes.”

 

“Okay. Sasabihin ko kay Angela.”

 

Napahinga ng malalim si Regine. Hindi na talaga makapagdesisyon mag-isa si Bernard.

 

One week before ang party ay sinundo na ng mag-asawa ang kanilang anak sa terminal kung saan ito nagpasundo. Mula roon ay tumuloy muna sila sa mall upang mamili. Pagkatapos ay nagtungo sila sa Bela’s Restaurant.

 

Hindi makapaniwala si Jared nang makita si Andrea at malaman ang tunay na koneksyon nito kina Bernard at Angela.

 

Naluluhang luminga si Andrea sa loob ng restaurant.

 

“Bela anak, para sa’yo talaga ito.” Si Angela.

 

“Mommy, thank you po!” sabay yakap ng dalaga sa ina.

 

Nang makatiyempo ay nilapitan ni Jared ang dalaga.

 

“Andrea, ahm I mean Bela…sobrang saya ko na magkakasama na tayo!”

 

“Magkakasama?”

 

“Ang ibig kong sabihin, siguro ikaw na ang magma-manage nitong restaurant ano?”

 

“Hindi ko alam. Marami pa akong kailangang matutunan. Pero masaya ako na nandito ka.”

 

“Talaga? Ah, sandali ha, gusto mo bang matikman ang specialty nyo ritong juice na tinawag nilang Bela’s juice?”

 

“Sige, treat mo ba?”

 

“Oo naman, ipapabawas ko na lang sa sahod ko, joke!”

 

Ilang saglit pa ay bumalik na agad si Jared dala ang special juice para kay Bela.

 

“Ito na po mahal na prinsesa, enjoy your drinks!”

 

“Salamat Jared.”

 

Pagkagaling sa restaurant , sa wakas ay nakauwi na sila ng bahay kung saan naghihintay si Lola Corazon.

 

Hindi nito napigilan ang mapaiyak nang makita si Bela.

 

“Aking Bela, apo!” ibinuka nito ang mga brasong naghihintay sa yakap ng dalaga.

 

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Andrea sa matanda na nasa wheelchair nito.

 

“Lola!”

 

Hinaplos haplos ni Lola Corazon ang mahaba at makintab na buhok ni Andrea.

 

“Apo sobrang saya ko na bago ko man lang lisanin ang mundo ay muli kitang nakita!”

 

Paupong lumuhod si Andrea sa harapan ng matanda at ginagap ang kamay nito.

 

“Lola, mas higit po ang saya ko na muli tayong nabuo bilang isang pamilya.”

 

Kapwa nakangiting nagpalitan naman ng tingin sina Bernard at Angela sa eksenang iyon.

 

Pumayag si Angela na si Regine ang mag-organize ng party para kay Bela. Bagay na ikinatuwa ng una.

 

“This is it…I’ll take all the chances na mapalapit kay Bernard…” sa isip ni Regine habang mag-isang umiinom ng alak sa apartment niya.

 

Kinontak ni Jeff si Jared. Nagbabakasakaling alam nito ang kinaroroonan ni Andrea.

 

“Hello Jared, pwede mo ba akong samahan kay Andrea?”

 

“Ahm…hindi ko alam kung nasaan siya.”

 

“Huwag ka ngang sinungaling, magkaibigan kayo kaya siguradong may alam ka.”

 

“Pasensya na insan pero hindi pa niya ako kinokontak…” sinadya ni Jared na hindi magsabi ng totoo. Kailangan niya muna kasing hingin ang permiso ng dalaga. Isa pa, ramdam niya na tila nagseselos ang puso niya sa binata. Kung pwede lang ay huwag na muling magtagpo ang landas nina Jared at Andrea.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

    https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.     Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihi­ngi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa […]

  • Nag-react at nalungkot ang SethDrea fans: ANDREA, pumayag na maging girlfriend ni RICCI kaya mag-on na sila

    HAPPY and thankful si Tony Labrusca sa panalo ng Hello Stranger bilang Best BL Series at silang dalawa ni JC Alcantara bilang Best BL Loveteam sa Village People Awards.     Tinalo lang naman nila ang Gameboys at tandem nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas for the honor.     Sa exclusive interview namin with Tony, sinabi ng binata na unexpected daw ang panalo nilang iyon. Pero […]

  • Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility

    IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.   Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang […]