Award-winning novel ni Marivi Soliven: SHARON, kumpirmado nang bibida sa Hollywood movie adaptation ng ‘The Mango Bride’
- Published on February 23, 2022
- by @peoplesbalita
KUMPIRMADO na ngang magli-lead si Megastar Sharon Cuneta sa Hollywood movie adaptation ng award-winning novel ni Marivi Soliven na The Mango Bride.
Sa Instagram account ng Megastar pinost niya ang screen shot ng article na nilabas ng Variety.
Caption ni Sharon, “SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!” kasama ang mga emojis.
Sa pagpapatuloy niya, “Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open doors for ALL OF US in the industry – FINALLY!”
Kalakip ng post ang link kung saan mababasa ang article: https://variety.com/2022/film/news/sharon-cuneta-the-mango-bride-adaptation-marivi-soliven-1235186783/
Naka-tag naman sa IG post ang kanyang pamilya, mga malalapit na celebrity friends, mga taga-FPJ Ang Probinsyano at iba marami pang iba: @frankiepangilinan @mielpangilinan @kiko.pangilinan @bethtamayo21 @annitazo @lorrainerecto @paolorecto @justinenicole___ @egan_aileen @garyvalenciano @john__estrada @mdemesa24 @michaeljohnflores @jay_gonzaga @macherieamour @jhett_tolentino @gabpangilinan @jnpangilinan @detailsink @isabelvsandoval @malusevilla @officialjuday @reginevalcasid @ogiealcasid @popsfernandezofficial @zsazsapadilla @msaiaidelasalas @montesjulia08 @cocomartin_ph @biboy_arboleda_ @deo_endrinal @malousantos03 @imangelaquino @therealangellocsin @iamangelicap @viva_ent @viva_films @draivee @drzteo @deleonphoto @jeff.g.l @_tessalapradez @jokoy
Idi-direk ito ng Filipino-Canadian na si Martin Edralin, ang movie ay iikot sa buhay ng dalawang Filipino women na sina Amparo, na isang socialite na ipinanganak sa wealthy family, at si Beverly, na isang mail-order bride. Magma-migrate sila sa California na madi-discover ang hidden truths as their stories meet and intertwine.
Si Rae Red (“The Woman and the Gun”) ang magsusulat ng screenplay na base sa award-winning novel na na-publish noong 2013 sa English ng Penguin Random House, sa Filipino (translated by Danton Remoto) ng National Book Store at noong 2014 sa Spanish ng Grupo Planeta na may titulong Hace una eternidad, en Manila.
Nagwagi ang The Mango Bride ng highest literary prize sa bansa, ang Grand Prize ng Carlos Palanca Memorial Awards.
Magsisimula ang production ng pelikula bago matapos ang 2022.
Sa naging pahayag ni Sharon sa Variety, “I wanted to do ‘The Mango Bride’ because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this.”
Pag-amin pa ni Mega, “I have long been a fan of Marivi Soliven’s writing, from ‘Suddenly Stateside,’ her collection of light essays about living in the U.S., to ‘The Mango Bride.’ She captures the Filipino migrant and Filipino American experience skilfully.“
Congratulations and goodluck Sharon!
(ROHN ROMULO)
-
Wish ni PBBM, koronasyon ni King Charles makapagdadala ng kapayapaan kasaganaan at progreso sa UK, Commonwealth
WISH ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang koronasyon ng Kanyang Kamahalan King Charles III ay nangangahulugan ng kapayapaan at kasaganaan para sa United Kingdom at Commonwealth. Si Pangulong Marcos ay kabilang sa mga heads of states na dumalo sa koronasyon ni King Charles III at Kanyang Kamahalan Queen Camilla sa Westminster Abbey […]
-
Ads May 28, 2021
-
Diverse Lifestyles Shine in Greenfield District’s Celebrity Wellness Weekend
Greenfield Development Corporation, in partnership with Pave Philippines, successfully hosted the Celebrity Wellness Weekend, a two-day event celebrating wellness, entertainment, and community for a meaningful cause. Held at the Food Truck Fest at Greenfield District, the event drew families, food lovers, fitness enthusiasts, and fans, uniting diverse lifestyles in a lively celebration of […]