• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.

 

 

“Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo puwedeng mag-deescalate,” ayon kay Duque.

 

 

“Maganda po ‘tong metric sa pag-assess kung sino bang lugar ang hinog na for Alert Level 1,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng DoH na naghahanda na ang pamahalaan para sa Alert Level 1 at sa tinatawag na eventual transition ng COVID-19 pandemic sa endemic state.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Alert Level 1 ay magiging “new normal” ng bansa.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 2 — pangalawa sa pinakamababa sa bagong alert level system — may ilang establisimyento at aktibidad ang pinapayagan sa 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults (at minors, kahit pa hindi bakunado) at 70% capacity outdoors.

 

 

Sa ngayon, nakapagtala ang bansa ng  3,653,526 COVID-19 cases na mayroong 3,539,106 recoveries at 55,763 deaths.

 

 

Sa kabilang dako, sa naging pag-uulat naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sinabi nito na 90 milyong Filipino ang target ng pamahalaan na mabakunahan, may kabuuang 62,505,204 ang nakatanggap ng kanilang second dose o 69%.

 

 

“We have reached an inflection point where our daily output has dramatically reduced from 1 million to less than 500,00- a day and low turnout during National Vaccination days,” ani Galvez.

 

 

Aniya pa, nakatuon ang pansin ng gobyerno sa natitirang tatlong milyong seniors at persons with comorbidities sa nagpapatuloy na vaccination efforts.

 

 

Samantala, mayroong 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas na vaccine coverage.

 

 

Dapat aniyang nakatuon ang pansin ng mga rehiyon na ito sa pag-aalok ng boosters, habang ang natitirang limang rehiyon ay dapat na subukan na palakasin ang kanilang primary vaccinations. (Daris Jose)

Other News
  • Petisyon sa P3 taas pasahe sa jeep, isinampa sa LTFRB

    Naisampa na kahapon ang petisyon ng iba’t ibang jeepney organization para sa provisional  P3 na dagdag singil sa minimum na  pasahe sa mga pampasaherong jeep sa bansa.     Sa kanilang petisyon na isinampa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)   Central Office sa pangu­nguna ng Pasang Masda,  FEJODAP, ACTO, LTOP at ALTODAP, iginiit […]

  • ABS-CBN nagbayad ng P71.5-B buwis sa loob ng 17 taon – exec

    Aabot  ng ilang bilyong piso na buwis ang ibinayad ng ABS-CBN sa pamahalaan sa loob ng 17 taon, ayon sa isang opisyal ng kompanya.   Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na mula 2003 hanggang 2019, aabot ng P71.5 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan. […]

  • Kasama sa mga nangunguna sa fan votes: MICHELLE, dapat suportahan para manatili sa Top 10 ng ‘Miss Universe’

    ANG pambato natin na si Michelle Dee ay isa na sa mga frontrunners sa nalalapit na 72nd Miss Universe pageant     Dahil pasok ang 28-year-old Kapuso actress sa Top 10 leading candidates na mula partial fan votes, base ito sa inilabas ng Miss Universe Organization sa kanilang facebook account last Oct. 13.     […]