• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC HINAMON MGA KANDIDATO NA MAGSAMPA NG REKLAMO

HINAMON  ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ituloy ng mga kandidato ang kanilang unang naging pahayag na magsampa ng kaso  sa Comelec ukol sa nangyaring  pagbabaklas ng mga campaign posters sa loob ng bakuran ng  kanilang tagasuporta.

 

 

Ayon sa Comelec, dito umano magkakaroon ng linaw ang isyu.

 

 

“Bukas ang Comelec,sa pagrere-evaluate ng guidelines na ‘yan, sa pagtitingin ulit ng mga polisiya at mga prinsipyo na sinusunod natin”, pahayag ni Jimenez.

 

 

Pero of course kung gusto niyong magkaso that is perfectly well within their rights”, anang tagapagsalita ng Comelec.

 

 

Sa ngayon ayon sa Comelec ay wala pa namang naghahainan ng kaso laban sa mga ilegal poster materials.

 

 

Samantala, nanindigan naman ang Comelec na ipatutupad pa rin ang resolution no.10732 hanggang walang nagsasampa ng reklamo laban sa panuntunan kaugnay sa in person campaign. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Sa isinusulong na vegetable gardening… Land-use conversion dapat itigil

    SA muling pagsusulong ni Senadora Cynthia Villar ng vegetable gardening bilang solusyon sa food crisis, dapat ipatigil ng bagong administrasyon ang conversion ng sakahang lupa sa subdivisions o commercial areas.     Ayon sa Anakpawis Party-list at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), karamihan sa mga nasabing lupa ay ginagamit bilang taniman ng bigas tuwing tag-ulan […]

  • SOKOR National na wanted sa illegal online gambling, inaresto ng BI

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang siang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling.   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Choi Sungsun, 33, ay inaresto sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at […]

  • Kai Sotto excited na makasama si Kobe Paras

    Excited na si NBA prospect Kai Sotto na makasama sa workout si Kobe Paras sa East West Private (EWP).     Kamakailan lamang, pumasok si Paras sa EWP na siyang tutulong sa kanyang basketball career.     At isa si Sotto sa mga lubos na natuwa sa naging desisyon ni Paras.     Nais ni […]