Sa MP2 savings program: Pag-IBIG members nakaipon ng P26 bilyon
- Published on February 25, 2022
- by @peoplesbalita
UMAABOT na sa halos P26 bilyon ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program na isang pananda na mas dumami pa ang mga pumapasok at sa programang ito sa kabila ng umiiral na pandemya.
Ang MP2 Savings program ay isang voluntary savings platform para sa mga miyembro ng Pag-IBIG na nais na makaipon pa ng mas maraming pera at kumita ng mas mataas na dibidendo bukod pa sa kanilang Pag-IBIG Fund regular savings.
Sinabi ng mga opisyal ng Pag-Ibig na, sa loob lamang ng 12 buwan, ang mga naimpok ng mga miyembro sa ilalim ng MP2 ay umabot sa kabuuang P25.95 bilyon noong 2021 na tumaas nang 95% mula sa P13.23 bilyong nakolekta noong 2020.
Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na tumaas ang bilang ng mga MP2 savers noong nakaraang taon. Noong 2020, mayroong 508,522 MP2 savers. Sa katapusan ng 2021, ang kabuuang bilang ng mga MP2 savers ay tumaas nang 42 porsiyento sa bilang na 721,980.
Ayon kay Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development at tagapangulo ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, napatunayan dito na sa kabila ng mga agam-agam na dulot ng pandemya ay naging isa sa mas tinatangkilik na programa ang MP2.
Ang MP2 Savings Program ay isang special voluntary savings facility ng Pag-IBIG Fund na merong maturity period na limang taon. Sa low entry point na P500 minimum savings, idinisensyo ito para sa mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG na gustong madagdagan ang kanilang ipon at kumita ng mas mataas na dividend. Dagdag pa ito sa mandatory Pag-IBIG Regular Savings na iniipon nila kada buwan.
Bukas din ang naturang programa sa mga manggagawa na dating miyembro ng Pag-IBIG. Kabilang dito ang mga pensioner at retirees hangga’t meron silang dalawang taong ipon bago sila nagretiro. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Nat’l Maritime Council sa gitna ng ‘range of serious challenges’, tinintahan ng Pangulo
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga filipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Sa anim na […]
-
Pangatlo na ito sa kanyang collection: JILLIAN, sinorpresa ng magulang sa regalong sports car na pang-taping niya
DAHIL sa sipag ni Jillian Ward sa trabaho, sinorpresa siya ng kanyang magulang sa regalo nilang brand new BMW M-Sport na magagamit niya sa kanyang tapings. Sa Instagram Stories post ni Jillian noong Lunes, nai-share niya ang bagong sasakyan at ang pasasalamat niya sa kanyang magulang. “Thank you Mama and Papa for my […]
-
Congressional Medal of Excellence iginawad kay Diaz
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ang House of Representatives ng Congressional Medal of Excellence. Ito ang iginawad ng Kongreso kay national weightlifter Hidilyn Diaz na tumapos sa 97-taong paghihintay ng Pilipinas para sa kauna-unahang Olympic Games gold medal nang manalo sa Tokyo Games. Nang buhatin ni Diaz ang silver medal noong […]