• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-donate naman ng ambulansya sa ospital: Pinupuring ‘Love is Essential’ campaign ni GRETCHEN, tuloy-tuloy lang

MAGBABALIK na sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann pagkaraan ng ilang buwang paninirahan sa Maynila.

 

 

Hindi raw agad umuwi sina Andi pagkatapos tumama ang typhoon Odette sa isla noong December 2021.

 

Post ni Andi sa Instagram: “Last series of snaps with this concrete jungle as background. I know the scenic coconut trees will still not be as lush and green as it used to be, but to us, there’s just no place like home. Stay tuned, and join us once again as we hit the road and make our (long) way back home!”

 


      Na-miss na raw ng pamilya ni Andi ang kanilang buhay sa Siargao. Kailangan na raw nilang i-rebuild ang buhay nila roon ulit dahil sa pagmamahal nila sa naturang isla.

 

Naging hit sa YouTube ang vlog nila na ‘Happy Islanders’ dahil pinakita ni Andi ang simpleng buhay nila sa Siargao.

 

Nagpapadala rin ng tulong si Andi at ang partner niyang si Philmar Alipayo ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan sa isla dahil sa pagtama ng bagyo.

 

 

***

 

 

TULUY-TULOY ang ‘Love is Essential’ campaign ni Gretchen Barretto.

 

 

Pagkatapos niyang mamigay ng grocery boxes at saku-sakong bigas sa frontliners, isang ambulansya naman ang ido-donate niya sa isang ospital.

 

Nagpadala ng ambulansya si Gretchen sa Victor R. Potenciano Medical Center (VRP) sa Mandaluyong bilang parte ng 49th anniversary ng naturang ospital.

 

May dagdag na regalo pa si Gretchen sa higit na 1,000 frontliners sa pagbisita niya sa ospital sa February 24.
      “I’m happy to announce that on February 24 I am granting the wish of Victor Potenciano Hospital, VRP ‘yun, sa Mandaluyong EDSA. It’s going to be their 49th year so I will be launching my first ever ‘Love Is Essential’ ambulance. That is my 49th anniversary present. That is the wish that I’m granting them.

 

 

To the frontliners of VRP, on that day we will be granting 1,024 frontliners. Since it’s February and I said it’s the month of love, let’s all spread love. Mine is on Thursday, February 24,” sey pa ni La Greta.

 

 

May isa pang ambulansya na ido-donate si Gretchen sa isa pang ospital. Kelan lang ay namigay siya ng mga sako ng bigas sa 3,300 families sa Cavite City.

 

***

 

PAHINGA raw muna si Queen Elizabeth II sa kanyang mga scheduled virtual events dahil nagpapagaling siya pagkatapos mag-positive sa COVID-19.

 

Inanunsyo ng Buckingham Palace na ang 95-year old British monarch ay hindi muna mag-participate sa kanyang mga naka-schedule na virtual engagments.

 

“As Her Majesty is still experiencing mild cold like symptoms she has decided not to undertake her planned virtual engagements today, but will continue with light duties. Further engagements to be decided in due course.”
      Bakunado at boosted na ang reyna at sumusunod raw ito sa mga safety guidelines.

 

Bago mag-postive sa COVID-19 si Queen Elizabeth, naunang ma-infect ng virus ang anak niyang si Prince Charles at sumunod ang asawa nitong si Camilla.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Proklamasyon sa 12 nanalong senador, partial party-list, ipo-proklama na– Comelec

    NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga mananalong senador sa Miyerkules ng hapon.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, sabay-sabay daw ipoproklama ang 12 winning Senators.     Ngayong araw dadating ang mga Certificate of Canvass mula sa Hong Kong.     Ang mga Party-list groups na sigurado nang magkakaroon ng […]

  • PBBM, muling itinalaga si Cacdac bilang DMW ad interim Secretary

    MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).     Ang reappointment ni Cacdac, makikita sa listahan ng presidential appointees na ipinalabas ng Malakanyang ay patunay na patuloy na ‘nagtitiwala at kumpiyansa’ ang Pangulo kay Cacdac.     Ipinagpaliban naman ng […]

  • P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela

    Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city.     Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa […]