• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P13.8 M SHABU, NASABAT SA ISANG HABAL-HABAL DRIVER SA BUY BUST SA CAVITE

DUMAYO pa ang isang habal-habal na driver sa Cavite upang magdeliver ng mahigit P13 milyon halaga ng shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa isang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ang suspek na si  Jay-r Fuenteveros y Banal, alias “Panget”, nasa wastong edad ng  Hermanos Compound, Bicutan, Parañaque City

 

 

Sa ulat, dakong alas-12:00 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A Cavite PO, PDEA IS, PDEA RO-NCR, AFP, Cavite DEU  at Bacoor City Police Station sa Pulong Mabilog St., Brgy Molino IV, Bacoor City, Cavite kung saan target ang suspek.

 

 

Ayon kay Asst Regional Director Billy Viray, PDEA IV-A, ang pagkakaaresto sa suspek ay bunsod sa tip ng kanilang confidential informant kung saan nagsagawa ng surveillance sa area na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek

 

 

Ayon sa suspek, hindi niya umano alam na droga ang laman ng dala niya sa kanyang habal-habal  na idi-deliver sa isang tao sa Cavite at binayaran lamang siya ng P1,000 kapalit ng kanyang pagde-deliver.

 

 

Narekober sa suspek ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P13,800,000 na nakalagay sa tea bag.

 

 

Kasong paglabag sa Sec 5 at 11, Article ii ng RA 9165 ang kinakaharap ng suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • GCQ sa NCR pinalawig hanggang Agosto 15

    Mananatili sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang probinsiya ng Iloilo City, Iloilo province sa Region 6 at Cagayan de Oro at Gingoong City sa Region 10 simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, 2021.     Ito ang ginawang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang national address nitong Miyerkules ng gabi.     Inilagay naman […]

  • Kiefer out na sa SEA Games

    ANG  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang huling pagkakataon na nasilayan si Kiefer Ravena suot ang Gilas Pilipinas jersey sa SEA Games.     Ito ay matapos magdesisyon si Ravena na ito na ang kanyang huling SEA Games matapos ang anim na edisyong paglalaro nito sa biennial meet.     Inihayag nito ang […]

  • FDCP LEADS PHILIPPINE DELEGATION TO BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL 2020

    FOUR films, one film project, and 10 production companies are among the representatives of Philippine Cinema in the 25th Busan International Film Festival (BIFF) in South Korea.   “Death of Nintendo” by Raya Martin, “Cleaners” by Karl Glenn Barit, “How to Die Young in Manila” by Petersen Vargas, and “Kids on Fire” by Kyle Nieva […]