Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR
- Published on March 3, 2022
- by @peoplesbalita
SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.
Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay “Tinig ng Kababaihan, Pag-asa ng Bayan”.
Sinimulan ng CHR ang unang araw ng selebrasyon kasama ang organisasyon ng mga kababaihan na Sarilaya sa pamamagitan ng pagma-martsa mula sa traffic island malapit sa Philippine Coconut Authority (PhilCoa) patungo sa Liwasang Diokno sa CHR Central Office grounds sa Quezon City.
“Purple Action Day serves not only as a day of celebration welcoming Women’s Month; but is also a day of making women’s voices heard, of seeking accountability, and surfacing urgent women’s issues and concerns,” ayon sa CHR sa isang kalatas.
Sa nasabing event, sinabi ni Commissioner Karen S. Gomez-Dumpit na ang CHR ay abala sa kanilang “Bantay Karapatan sa Halalan” project upang maitaguyod ang agenda ng mga kababaihan sa nalalapit na halalan at maprotektahan ang mga ito laban sa pang-aabuso.
“Bitbit natin ang mga agenda na maisama natin ito sa usapan sa pagpili na susunod na pamumuno,” anito.
Pinuri naman ni Gomez-Dumpit ang mga women leaders sa bansa.
Tinukoy nito ang ipinamalas na lakas ng loob sa kabila ng patuloy na pag-atake sa mga kababaihan maging ang mga ito man ay politiko, human rights defenders, o health workers — binanggit nito ang pangalan ni Senador Leila de Lima at Dr. Natividad “Naty” Castro.
“Binibigay po natin sa kanila ang Purple Action Day,’ aniya pa sabay sabing ” that it is equally important to rally the participation of marginalized women in this year’s elections so that their needs and voices will be addressed.” (Daris Jose)
-
Eleazar pinagtanggol ang balak na pag-aarmas sa mga civilian volunteers
Ipinagtanggol ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-armas sa anti-crime civilian volunteers. Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para sa volunteerism at hindi vigilantism. Pagtitiyak nito sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi maaabuso ito ng mga sibilyan. Dadaan daw sa […]
-
New ‘Eternals’ Teaser Showcases Each Hero’s Superpowers
A new Eternals teaser showcases how powerful each hero is. In a month, Marvel Studios will make its return to the big screen with Chloé Zhao’s upcoming MCU blockbuster. Set to introduce a whole new team of superheroes, the Eternals’ arrival is expected to change the franchise’s overall power hierarchy. One of the projects […]
-
Walang pagbabago sa terminal assignments sa NAIA sa ngayon
HINDI pa mababago sa ngayon ang mga terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa mga Philippine air carriers. Sinabi ito ng mga airlines matapos na magkaroon ng announcement ang bagong operator ng NAIA na magkakaroon ng posibleng terminal reassignments pero sa darating pa na panahon. Ang Cebu Pacific […]