• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukraine President, nagpahayag ng katatagan para sa kalayaan sa kanyang madamdaming talumpati sa harap EU

ISANG makabagbag damdamin ang ibinahagi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa kanyang naging talumpati sa European Parliament.

 

 

Sa kanyang mensahe ay ipinahayag ni Zelenskyy ang kanyang katapangan at katatagan na sumasalamin din sa pakikibaka ng Ukraine ngayon sa kasagsagan ng mas umiinit pang tensyon nito laban sa Russia.

 

 

Sinabi ng pangulo ng Ukraine na walang sinuman ang makakasira sa Ukraine na nakikipaglaban para sa kanilang bayan at kalayaan.

 

 

Ani Zelenskyy, isa sa mga dahilan ng kanilang pakikipagbaka sa gitna ng krisis na kinakaharap ng kanilang bansa ay upang maging isang equal na miyembro ng Europa.

 

 

Sa pamamagitan din ng talumpati ay nanawagan si Zelenskyy sa European Union na patunayan aniya ng mga ito na kasama nila ito sa kanilang pakikipaglaban at hindi sila nito pababayaan.

 

 

Ang naturang talumpati ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ay sinundan naman ng standing ovation at malakas na palakpakan mula sa mga tagapakinig nito, na ang karamihan ay nakasuot ng T-shirt na may nakalimbag na #standwithUkraine dala ang bandera ng Ukraine, habang ang iba naman ay nakasuot ng blue-and-yellow na scarf o ribbon.

Other News
  • Marcos, pinag-aaralan ang 5-year term para sa mga opisyal ng barangay

    MASUSING pinag-aaralan ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang gawing limang taon ang tatlong  taon na termino ng mga opisyal ng barangay.     Sinabi ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, pinag-aaralan na ng administrasyong Marcos ang batas na mag-aamyenda sa termino ng mga barangay officials, kabilang na ang pagpapalawig […]

  • PIA, nagka-COVID pa rin kahit fully vaccinated at may booster shot; pinatulan ang basher na nagsabing ‘deserved’ niyang mahawa

    IBINAHAGI ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach a few days ago na nag-positive din siya sa COVID-19 habang nasa United Kingdom.     Nagbabala pa siya sa IG post ng, “Long post ahead”, bago I-post ang nangyari sa kanya.     Panimula ni Pia, “I caught COVID here in the UK even though I’ve been […]

  • Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’

    MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8.   Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.   Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, […]