‘PINAS GAGAPANG SA 2021 SEA GAMES
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
SA nakikinita ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino magiging mahirap para sa Pilipinas na na maidepensa ang pangkalahatang kampeonato sa 31 st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam.
Kaya puntirya ng opisyal na makapaghanda nang nang todo ang mga atletang Pinoy hindi lang sa 32 nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 13-Agosto 8, kundi sa SEA Games din sa Nobyembre 21-Disyembre 2.
“Defintely, mahihirapan tayo sa overall title dahil na rin sa sports na gusto isagawa ng host na Vietnam. May mga plano pero I will reveal it na lang siguro after the POC election,” pahayag niya.
Makikipagtalakayan si Tolentino sa mga opisyales ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF) sa Nobyembre kung saan isusumite niya ang final report sa 30th SEAG 2019 sa ‘Pinas at ang pagbibigay ng coffeetable book.
“Gusto ng Vietnam organizers gawin lang ang original na 46 sports dahil din sa budget cut sa kanila. So hintay tayo kung ano mangyayari. Binabantayan ko ang budget hearing ng PSC kung magkano ba ang isinubmit nila dahil doon nakasalalay ang pondo at exposure ng mga atleta para sa Olympics at sa SEA Games,” wakas niya. (REC)
-
PBA training simula na!
Umarangkada na ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams bilang paghahanda sa PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Hunyo 15. Nanguna ang Meralco Bolts sa mga maagang nakapagsimula matapos makumpleto ang lahat ng requirements kabilang na ang importanteng swab test. Tumulak kahapon ang buong delegasyon ng Bolts sa Laoag, Ilocos […]
-
Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong […]
-
Yorme Isko, walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election
Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022. Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey. Labis ang […]