• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit natuldukan na sa post ang pagsuporta: KC, inuudyukan na umuwi para makatulong sa campaign ng LENI-KIKO tandem

KUNG iniisip man siguro ng karamihan na tila walang pakialam o suporta si KC Concepcion sa kampanya ng kanyang “dad” o step-father na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-Bise Presidente, sa isang Instagram post lang niya ay tila natuldukan na ito agad.

 

 

Marami ang natuwa base sa nababasa naming comments sa pagpu-post ni KC ng family pictures nila na kuha pa ng namayapang photographer na si Raymund Isaac.  At ang pagre-repost niya sa naging campaign rally sa Iloilo.

 

 

Nagpasalamat si KC sa mga sumusuporta raw sa kanilang pamilya. Aniya, “Maraming salamat, Pilipinas, mula sa puso ng aming pamilya. The support coming from the ground is something our parents have never seen since 1986.  Mahal namin kayo @kiko.pangilinan @reallysharoncuneta.”

 

 

May mga nag-uudyok naman kay KC na umuwi na raw ito ng bansa para makasama at makatulong sa campaign, tulad ng ibang mga celebrities na talagang nangangampanya para sa Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem.

 

 

***

 

 

KUNG hindi pa dahil sa bagong pinagbibidahang GMA Afternoon Prime ng Kapuso actress na si Rhian Ramos, hindi raw niya malalaman ang tungkol sa batas na Article 247 o tulad nga ng title ng bago niyang serye, ang Artikulo 247 na magsisimula ng mapanood.

 

 

Sey ni Rhian, “Yes, dito ko nalaman ang article 247. Well, I’ve heard naman article like this before in the law, I just didn’t know na nasa penal code natin siya sa Pilipinas.”

 

 

Feeling daw niya, dapat na aware rin ang lahat sa law na ito that exempts family members if ever man na may magawa silang harm o may mapatay sila in honor of their family na nandiyang naabuso pala.

 

 

Pero sey niya rin, hindi rin naman daw dapat talagang humantong sa ganito.

 

 

Sa tanong naman kung wala pa ba siyang planong mag-settle down at kung ano talaga ang marrying age para sa kanya, sinabi ni Rhian na ever since raw, 35 talaga ang marrying age for her.

 

 

Marami pa raw siyang gustong gawin at the same time, it’s not something na pina-plan or priority niya.

 

 

Thirty-one na si Rhian ngayon. Kung susundin niya ang marrying age na gusto niya, may apat na taon pa siya na mananatiling single.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads April 18, 2022

  • Gilas maghahanda sa resbak ng SoKor

    Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagresbak ng South Korea sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers na nakatakdang magsi­mula sa Nobyembre.     Dalawang beses tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Clark, Pampanga.     Una ang 81-78 panalo ng Pinoy squad laban sa Koreans […]

  • NBI, mag-iimbestiga na rin sa PDEA-PNP ‘misencounter’ – DoJ

    GAGAWA  na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth, Quezon City kahapon.     Kasunod ito ng kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng  “parallel investigation”  ang NBI na naganap na […]