• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls

MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center.

 

 

Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa.

 

 

Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task Force (ETF) and its Operation and Monitoring Center in the Central, Regional, and Schools/City Division Offices in Connection with the May 09, 2022 National and Local Elections (NLE).”

 

 

Ang 2022 DepEd ETF Operation and Monitoring Center para sa nalalapit na NLE ay itatayo sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office simula ala-1:00 ng hapon, Mayo 8 at magtatapos ng alas-5:00 ng hapon ng Mayo 10.

 

 

Ang DepEd ay isa sa mga national agencies na itinalaga ng COMELEC para tiyakin ang malaya, maayos , tapat, mapayapa at kapani-paniwalang eleksyon sa pamamagitan ng paga-appoint sa mga public school teachers na magsilbi bilang chairpersons at miyembro ng Election Board, at maging ng Technical Support Personnel.

 

 

Itinalaga naman si DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua bilang chairman at Undersecretary Revsee A. Escobedo bilang Vice Chairman ng DepEd ETF Operations and Monitoring Center.

 

 

“They shall create committees and appoint their respective chairs and vice chairs, for approval of Secretary Leonor Briones,” ayon sa DepEd.

 

 

“The creation of such committees and appointment of its respective chairs and vice chairs shall be made weeks before the day of NLE for preparatory purposes,” pahayag pa rin ng DepEd.

 

 

Kailangan naman na kaagad na mamili ang Committee Chairs at Vice Chairs ng kanilang mga miyembro at isumite ang pangalan ng mga ito para sa approval ni Education Secretary, Dr. Leonor Magtolis Briones.

 

 

Gayundin, pinayagan naman ang lahat ng regional ar schools/city division offices ng DepEd na magtatatg ng kani-kanilang ETF Operations and Monitoring Centers sa kahalintulad na iskedyul.

 

 

“The functions of ETF members include maintaining an Operation and Monitoring Center to document and report all teacher and school-related issues and concerns before, during, and after the Elections and ensuring that teachers are provided with and/or referred to adequate information, technical and legal assistance in the course of the performance of their duties as members of the Electoral Board,” ayon sa DepEd.

 

 

“The ETF will also serve as DepEd institutional link to volunteer organizations and individuals and are expected to provide close horizontal and vertical coordination and consultation among DepEd, Comelec and partner agencies involved in the 2022 NLE. Moreover, the ETF is also expected to complement the other government agencies’ efforts for an “honest, orderly and peaceful election.”dagdag na pahayag ng DepEd.

 

 

Samantala, ioorganisa naman ang nationwide orientations, training/fora para i- brief ang mga guro at opisyal na mga miyembro ng ETF .

 

 

“These orientations, training/fora shall cover the procedures on the use of digital signatures, enhancement and updates to the mobile monitoring application systems, Covid-19 protocols, do’s and don’ts before, during, and after the Elections, and other election-related concerns,” ayon pa rin sa DepEd.

 

 

Ayon sa DepEd, titiyakin ng ETF na ang mga guro aymabibigyan ng tamang impormasyon, technical at legal assistance pagdating sa kanilang magiging gampanin bilang miyembro ng Election Board, at maging bilang DepEd non-teaching personnel na magsisilbi sa panahon ng NLE.

 

 

Samantala, pinaalalahanan din ang lahat ng DepEd officials at personnel, na nasa civil service, na “not to intervene directly or indirectly in any election campaign or engage in any partisan political activity, except to vote.” (Daris Jose)

Other News
  • P215.64-B budget, inihirit para sa flood control projects sa 2024 – DBM

    TINITINGNAN ng administrasyong Marcos ang budget allocation na P215.643 billion para pondohan ang  flood mitigation projects para sa taong 2024.     Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay kasama sa 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) Flood Management Program.     “In […]

  • Ads April 26, 2023

  • Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon

    Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman […]