• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, magdo-donate ng COVID-19 vaccines sa Southeast Asian nations –NTF

MAGDO-DONATE ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia sa gitna ng sobrang suplay sa bansa.

 

 

Sa katunayan ani National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa ay walang problema sa suplay ang bansa.

 

 

At gaya aniya ng sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr., tinanggihan na ng bansa ang ilang COVID-19 vaccine donations at sa halip ay dinonate ang ilan sa ibang Southeast Asian countries.

 

 

“Wala tayong problema sa supply, in fact sabi nga sa akin ni Secretary Galvez nagre-refuse pa sila ng donation at nagdo-donate tayo sa iba nating mga kababayan sa Southeast Asia kasi nga ample ang supply natin sa bakuna,” ayon kay Herbosa.

 

 

Sa kabilang dako, nagpatupad na aniya ang mga opisyal ng NTF ng vaccine information drive sa komunidad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil marami pa rin ang ayaw na mabakunahan dahil sa kanilang paniniwala.

 

 

“Yung BARMM ay very special area nga at pinuntuhan natin ‘yon, magkahalo ‘yan problema sa access dahil malalayong lugar ang pinupuntahan nila medyo mabigat sa pamasahe at pangalawa may kumalat kasi ron na paniniwala na ito ay hindi Halal yan ang kinakalaban namin,” ayon kay Herbosa.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Galvez, vaccine czar din ng bansa na nagpunta siya ng Sumisip, Basilan upang hikayatin ang Muslim communities  doon na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Herbosa ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 dahil target ng pamahalaan na mabakunahan ang 77 milyong Filipino sa pagtatapos ng Marso at 90 millyon bago pa bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30. (Daris Jose)

Other News
  • Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal

    HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa.     “Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. […]

  • Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon

    HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng  P31 billion calamity fund para sa taong 2024.     Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad.     Kilala rin bilang  National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang  calamity fund ay mas mataas ng […]

  • Vaccine expert panel, inirekomendang magamit ang Sinovac vaccine sa senior citizens

    Naghain na ng rekomendasyon ang vaccine expert panel (VEP) para magamit na rin ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.     Ito ay kasunod ng ulat na ubos na ang paunang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines na ibinigay ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).     […]