• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mandatory evacuation ng mga Filipino sa Ukraine ipinag-utos – DFA

IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation sa mga Filipino na nasa Ukraine.

 

 

Ayon sa DFA na nagiging malala na ang sitwasyon sa Ukraine mahigit isang linggo ng atakihin sila ng Russia.

 

 

Itinaas na rin sa Alert Level 4 ng DFA ang nasabing crisis level sa nasabing bansa.

 

 

Sa nasabing alert level 4 ay nangangahulugan ito ng Mandatory Repatriation o obligado ang mga Filipino sa Ukraine na lumikas at sasagutin ng gobyerno ang gastos.

 

 

Dagdag pa ng DFA na tutulungan sila ng Philippine Embassy sa Poland at ang Rapid Response Team na siyang nangangasiwa sa paglikas sa mga Filipino.

 

 

Nasa mahigit 300 Pinoy kasi ang naninirahan at nagtatrabaho sa Ukraine kung saan nakauwi na ang iba habang nasa mahigit 100 Pinoy pa rin ang nananatili sa Ukraine.

Other News
  • LEBRON AT GREEN, NAGBIRUAN NA MAKAKABISITA NA RIN SILA SA WHITE HOUSE

    MATAPOS makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green.   Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James.   Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House.   Kung […]

  • Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

    NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa […]

  • VCM at election materials, sinimulan nang ipadala sa mga lalawigan – Comelec

    SINIMULAN  nang ipadala noong Sabado ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machine (VCM) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inumpisahan na ring ilagay sa mga truck ang mga VCM at ballot boxes.     Uunahing hatiran […]