• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukraine, hindi na ipipilit pang maging kasapi ng NATO

HINDI NA pipilitin pa ng Ukraine na maging kasapi pa ito ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

 

In-anunsyo ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy matapos na tanggihan ng NATO ang kanyang kahilingan na ipatupad ang no-fly-zone sa himpapawid ng Ukraine sa kadahilanang maaari raw itong maging sanhi mas matinding digmaan sa Europe.

 

 

Aniya, dahil sa naging pasyang ito ng NATO ay maraming dugo ang dadanak. dahil mahina ito, at kawalang pagkaka-isa

 

 

Dahil dito ay naging bukas na si Zelenskyy na i-kompromiso ang katayuan ng dalawang breakaway pro-Russian territories na kinilala ni Russian President Vladimir Putin bilang isang independyente bago pa man nito simulan ang naging pagsalakay sa kanilang bansa noong Pebrero 24.

 

 

Hindi rin aniya handa ang NATO na tanggapin ang Ukraine at takot din ito pagdating sa mga kontrobersyal na bagay at maging sa pag-kompronta sa Russia.

 

 

Pagtutukoy pa nito sa NATO membership, sinabi ni Zelenskyy na hindi niya gustong maging presidente ng isang bansang nagmamakaawang humiling ng isang bagay.

 

 

Samantala, ipinahayag naman ng Ukraine president na bukas ito sa pakikipagdayalogo sa Russia hinggil sa mga hinihinging demand nito.

Other News
  • OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

    NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.   […]

  • DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation

    NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian.     Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson […]

  • Medvedev kampeon sa US Open matapos ilampaso ang world’s No. 1 na si Djokovic

    Nagkampeon si Russian tennis player Daniil Medvedev sa US Open matapos talunin si Novak Djokovic.     Dominado ng 25-anyos na Russian player ang buong laro 6-4, 6-4, 6-4.     Ito ang unang grand slam title na nakuha niya.     Bago makaharap ni Medvedev si Djokovic ay tinambakan niya si Felix Auger Aliassime […]