Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.
Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.
Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na performance nang magbuhos ng 56 points sa loob ng 39 minutos na pagkakababad sa paglalaro.
Sinasabing nakakaranas ng pamamaga sa kanyang kaliwang paa si James.
Ang hindi paglalaro ni James ay nagpadagdag sa kamalasan ng Lakers dahil magtatagal pa bago makabalik sa games ang kanilang big man na si Anthony Davis.
Namemeligro rin ang kalagayan ng Lakers bunsod na nasa pang-siyam itong puwesto at delikado pa na hindi pumasok sa play-in tournament.
Samantala sa laro kanina laban sa Spurs nasilat nila ang Lakers, 117-110.
-
Tiktok serye na ’52 Weeks’ wagi sa Hashtag Asia: KYCH at MICHAEL, maghahatid ng kilig sa unang BL series ng Puregold
PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming, at patuloy ding sinisikap ng Puregold na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay–ganito ang handog ng retailtainment ng Puregold. Nitong mga nagdaang […]
-
GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa […]
-
PBBM, pamilya binisita at nagbigay-galang sa namayapang ama na si Marcos Sr. nitong Undas
GAYA ng milyon-milyong Filipino, hindi nakalimutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng kanyang pamilya na bisitahin at magbigay-galang sa namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), araw ng Martes, Nobyembre 1. Sa katunayan, isang misa ang isinagawa para kay Marcos Sr. Kasama […]