Krudo papalo na sa P100 kada litro
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022.
Isang araw pa lang ang ipinatutupad na pinakamataas na dagdag presyo sa loob ng taong ito ay umuugong na ang mas matinding pagtataas sa presyong ipapataw sa darating na Martes (Marso 16) at sa mga susunod na linggo.
Binanggit sa GMA News Online ng isang source mula sa oil industry sa bansa, na sa kanilang monitoring sa kalakalakan ng langis nitong Marso 7, 2022 sa Mean of Platts Singapore (MOPS), na posibleng madagdagan pa ng panibagong pagtataas na P12.72 sa kada litro ng diesel at P8.28 naman sa gasolina sa susunod na linggo.
Ang lokal na industriya ng langis ay gumagamit ng Mean of Platts Singapore (MOPS), ang pang-araw-araw na average ng lahat ng transaksyon sa pangangalakal sa pagitan ng mga mamimili at nagbebenta ng mga produktong petrolyo.
Gayunman, ang nasabing price adjustment ay posible pang magbago depende sa resulta ng kalakalan sa susunod pang apat na araw.
Samantala, sa virtual press briefing, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na maaring umabot sa P100 kada litro ang pump prices kung aabot sa $200 ang kada barrel nito sa pandaigdigang merkado.
“The retail prices of fuel will depend on how far the prices will go up in the world market. Currently, the average retail price is at P70 per liter. If the world price hits $200 per barrel, it may result in an average retail fuel price of P100 per liter. Hopefully, it will not reach that point for us,” ani Cusi. (Daris Jose)
-
Michael Bay’s Action-Thriller ‘Ambulance’ in PH Cinemas Nationwide, Ahead of US Release
DIRECTOR-PRODUCER Michael Bay helms Ambulance, who is also known for bringing unprecedented cinematic experience with blockbuster films such as Transformers, A Quiet Place and 6 Underground. Ambulance takes Oscar nominee Jake Gyllenhaal (Zodiac, Spider-Man: Far From Home, Brokeback Mountain), Emmy winner Yahya Abdul-Mateen II (Candyman, The Matrix Resurrections) and Eiza Gonzales (Fast & Furious […]
-
Willie, ibinalita na tutuparin ang mga Christmas wish
NAG-POST sa kanilang social media accounts ang Concha’s Garden Cafe, Quezon City ni Alden Richards, last Sunday evening, November29, ng pasasalamat sa kanilang mga customers na tinangkilik ang dine-in restaurants nila ng ilang taon. “Thank you for enjoying our food until December 31, 2020.” (Till we eat again Q.C) Most affected ng pandemic […]
-
Kai Sotto malaki pa rin ang chance na makasama sa NBA G-League
Tiwala ang maraming mga basketball experts na hindi pa rin naglalaho ang pangarap ni Kai Sotto na makapaglaro sa NBA-G League. Ito ay kasunod ng nangyaring aberya ng umuwi ito sa Pilipinas para sana makapaglaro sa Gilas Pilipinas subalit hindi natuloy dahil sa kanselasyon ng FIBA Asia Qualifers ngayong buwan ng Pebrero. […]