Sangkot droga, timbog
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa Bagong Barrio Sub-Station ang report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug trade sa Waling-Waling St. corner Santan St. Brgy. 149, Bagong Barrio.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis si Wilmar Escarez, 31, at Federico Medina, 24, na nag- aabutan umano ng droga at nang kanilang arestuhin ay tumakbo ang mga suspek kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa madakip si Escarez at makuhanan ng isang sachet ng shabu.
Nakorner naman si Medina sa loob ng pinasukang bahay sa No. 413 Waling-Waling St. kung saan naaktuhan din ng mga pulis sina Wilmer Bagalan, 31, Gerald Salvador, 50, at Allan Jay De Castro, 33, na sumisinghot ng shabu.
Nakuha kay Medina ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu habang nakuha naman sa tatlong suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia. (Richard Mesa)
-
Ivana, kumikita sa YouTube kaya ‘di apektado ng pamdemya
ISANG buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon. Nakapag-baby shower na rin ito virtually. May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby. […]
-
New York Marathon tuloy na ngayong taon
Magbabalik na ngayong taon ang sikat na New York Marathon. Kinansela kasi noong 2020 ang marathon dahil sa COVID-19 pandemic. Lilimitahan lamang sa 33,000 ang papayagang makatakbo sa ika-50 anibersaryo ng marathon sa buwan ng Nobyembre 7. Sinabi ni New York City Mayor Bill de Blasio na ang nasabing […]
-
DILG binalaan si Gov. Garcia, mahaharap sa legal action kapag itinuloy ang optional mask EO
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawa sila ng legal action laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia kapag itinuloy nito ang pagsuway sa mask mandate ng gobyerno sa gitna ng coronavirus pandemic. “Ganun ang mangyayari diyan. Kapag patuloy nila yan gagawin at nagkakaroon na talaga tayo ng injury, […]