Ivana, kumikita sa YouTube kaya ‘di apektado ng pamdemya
- Published on September 21, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon.
Nakapag-baby shower na rin ito virtually.
May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby.
Hindi man physical na magkakasama, base sa mga pic- tures na ipinakita ni Ryza, nairaos din ito na tila gaya ng normal na baby shower talaga.
Nakapalitan namin ng messages ang aktres. Aniya, kinakabahan daw siya sa araw na manganganak na siya.
Normal naman sigurong kabahan talaga ngayon ang mga babaeng manganganak. Yung walang COVID-19 ay ninenerbiyos na ang isang ina, how much more pa nga ba ngayong may kalaban na hindi nakikita.
Unlike other celebrities tulad nina Max Collins at Coleen Garcia na mas piniling manganak sa bahay dahil sa takot na rin sa risk ng virus sa hospital, si Ryza ay sa hospital pa rin piniling mangangak.
May hospital na naka-plano si Ryza kung saan niya ide-deliver ang baby niya. Pero, ang ama ng anak niya, obvious na yung the best ang gusto sa mag-ina nito. Kaya posibleng mabago ang hos- pital na pag-aanakan nito.
Mukhang finally, nakahanap na nga si Ryza ng tamang lalaki at totoong lalaki na susuklian siya ng tamang pagmamahal. Yung this time, siya naman ang inaalagaan at inuuna talaga.
***
MGA naninibago ngayon sa pagbabalik taping sina Tom Rodriguez at Lovi Poe.
Silang dalawa ang mga bibida sa bagong serye ng GMA Networks na I Can See You: High Rise Lovers.
Si Lovi ay na-stuck talaga sa bahay niya ng anim na buwan. Same goes with Tom na nanibago na this time, a new normal taping na hindi naman daw sa zoom.
Sabi nga ni Tom, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng I Can See You: High Rise Lovers. Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko yung cast at crew. Iba pa rin talaga yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom yung trabaho.”
Sinabi naman ni Tom na talagang pina-practice raw nila ang social distancing. At limitado na rin ang mga eksena na may physical touching. Kaya hindi na magugulat kung walang kissing scene sa bagong serye na ito ng Kapuso network.
Nag-a-adjust pa nga raw siya sa muling pag-arte pagkatapos nga naman niyang mapahinga ng ilang buwan.
“Medyo kanina naninibago lang. Parang bagong pasok ulit sa eskwelahan, may kaba. But, I’m happy to be back.”
Ang I Can See You ay magsisimula ng mapanood sa Sep- tember 28 sa GMA Telebabad block.
***
KUNG meron man talagang nangingibabaw na katangian ng sexy star na si Ivana Alawi, ito ay ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya.
Given na kung gaano kamahal at protective ni Ivana sa nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey.
Sa recent vlog niya, ipinakita naman ni Ivana ang surpresa niyang lupa sa kanyang kapatid na si Hash. Walang duda, kahit pa may pandemic at halos anim na buwan na walang trabaho talaga at sa part pa ni Ivana, naudlot pa ang supposedly pagbibidahan niyang serye sa ABS-CBN, tila hindi ito naapektuhan financially.
Aba, e sa You Tube na lang niya, konting-konti na lang at sasampa na ito ng 9 million subscribers. Yung latest video na inupload niya na surprise sa kapatid, in 10 hours e, 1.5 million views na agad.
Kuwento ni Ivana, gusto raw kasi niya, silang pamilya ay magkakasama pa rin sa isang subdivision. Kaya sa nabili niyang lupa, walang alam ang kapatid na binilhan niya rin ito at kapag nakaipon pa raw siya, tila plano pa niyang patayuan ng bahay.
Ang susunod daw niyang bibilhan ng lupa sa same subdivision na may lupa siya ay ang kapatid na si Mona na.
Sey pa ni Ivana, “Simple lang kasi si Hash. Hindi siya mahilig sa mga materyal na bagay. Ayaw niya ng rolex, bag. Laptop naman, meron na siya for his games.”
Natawa pa raw ito nang tanungin niya kung gusto ng relong rolex. At hindi makapaniwala ang kapatid niya na sinurpresa siya ng lupa ni Ivana. Nang masiguradong hindi siya pina-prank lang, naiyak ito sa tuwa at pasasalamat.
Sa naturang vlog, ipinakita rin ni Ivana na next week, sisimulan na ang ground breaking sa 3- storey modern house na ipapatayo at in 10 months, posibleng tapos na raw ang kanilang dream house. (ROSE GARCIA)
-
Tulak kalaboso sa P.3M droga sa Valenzuela
BALIK-SELDA ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si […]
-
DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles
NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels. “The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang […]
-
86% Pinoy stress dahil sa pandemya – SWS
NAKAPAGTALA ng 86 porsyentong Filipino ang nakakararanas ng pagkastress dahil sa pandemya ayon sa Social Weather Stations (SWS). Napag-alamang 58 porsyento ng mga Filipino na may edad na 18 taong gulang pataas ang nakararanas ng lubhang pagkastress; 27 porsyento naman nakaranas ng pagkastress habang 15 porsyento lamang ang nakaranas ng konti o walang pagkabahala. […]