• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hangga’t hindi nakakaapekto sa work nila: Isyu ng hiwalayan nina TOM at CARLA, hindi pinakikialaman ng GMA

MARAMI nang excited, lalo na ang mga fans ni Bianca Umali, sa world premiere tonight ng first romantic-comedy series na ginawa ng Kapuso actress, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time nilang pagtatambalan ni Ken Chan.

 

 

Ibang-iba kasing Bianca ang mapapanood dito, na kahit ang actress ay nanibago at inaming napagod siya sa mga eksena niyang ginawa dahil, kabaligtaran ito ng tunay niyang ugali na isang introvert, tahimik lamang lagi.

 

 

Samantalang si Irene Pacheco ay loud, happy, wacky, jolly at sinabayan niya ang nanay niya, played by her Mamang Pokwang.  Kayo na ang humusga mamaya 9:45 pm sa GMA-7, after ng Widows’ Web.

 

 

***

 

 

ALMOST three months na ring lumabas ang hiwalayan issues sa pagitan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, pero nanatiling nag-iisip ang netizens kung ano ang reason ng paghihiwalay nila.

 

 

Kaya may nagtanong din kung hindi ba mamamagitan sa kanila ang GMA Network?  Sa isang interview, sinagot ito ng isa sa mga executives, si Joey Abacan.  

 

 

May line daw sila between professional and personal matters sa kanilang mga artista, liban na lamang kung alam nilang makakaapekto na ito sa kanilang trabaho, lalo na kung love team sila or mag-asawa sa project na ginagawa nila, maapektuhan nito ang show.

 

 

Kung personal nang humihingi ng advice sa kanila ang mga artista, pwede siguro silang pumasok, pero dapat daw ingat na ingat pa rin sa pagbibigay ng advice.

 

 

***

 

 

NATANONG din sa interview si Joey Abacan tungkol sa pagtatayo ng broadcast network ni former Senator Manny Villar, may bago na silang kakumpetesiya ngayon.

 

 

“Ang dami na nating nakalaban at ang dami na ring tumapat sa atin. Laro ito, eh. So maglaro tayo nang masaya. May mananalo at  may matatalo,” sabi niya.

 

 

I welcome it because in a way, marami ang magkakatrabaho muli sa industriya.  Everytime na may sumusulpot na ganyan, merong nagkakatrabaho. Masarap din iyong may kumpitensiya. It keeps us on our toes.  Masarap yung laro.  Ang corny naman kung wala tayong kalaban.  Maganda rin yung may competition so that you see the other side of the fance as well.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Valenzuela City magbibigay ng P 6-milyong tulong sa Rolly victims

    Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly  sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng lingo.   Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian  na maglabas ng podo mula […]

  • Cellphone ban sa klase inihain na sa Senado

    Isinulong na sa Senado ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa mga paaralan sa oras ng klase. Sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 2706) na inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at […]

  • Pdu30, ibebenta ang mga ari-arian ng pamahalaan na walang pakinabang

    TALAGANG ibebenta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang.   Subalit, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito ng Pangulo kung kinakailangan na ng taumbayan. “Uulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. […]