• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo

INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito.

 

 

Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay inendorso ni Pangulong Duterte ang presidential bid ni Robredo nang sabihin nito na ang susunod na Pangulo ng bansa ay dapat na “compassionate and decisive lawyer.”

 

 

“For me and for millions of Filipinos, there is only one decisive and compassionate lawyer among those aspiring to be president and she is VP Leni,” ayon kay Evardone sa isang kalatas.

 

 

“She’s the only one who can hurdle President Duterte’s standard for his successor,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ni Evardone na consistent si Robredo sa kanyang pro-poor advocacies, na aniya’y umabot pa sa Eastern Samar.

 

 

“We will need a president who is determined and forceful in addressing these issues but at the same time one who has compassion for all affected sectors, especially the poor. It’s VP Leni who fits the bill,” ayon kay Evardone.

 

 

Samantala, hanggang sa gayon ay wala pa ring ine-endorso na presidential candidate sina Pangulong Duterte at ang PDP-Laban faction sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang mga negosyante pinuri ang pagregulate ng LPG industry

    ITINUTURING ng mga negosyante sa bansa na may malaking tulong sa ekonomiya ang Republic Act 11592 o ang panukalang batas na nagreregulate ng liquefied petroleum gas industry.     Ayon kay dating LPGMA party-list representative Arnel Ty na ang nasabing panukalang batas ay magbibigay ng daan para mapataas ang tiwala at proteksyon sa mga investors […]

  • Dizon pumiyok, kulang ang ginagawang COVID-19 testing ng bansa

    PUMIYOK si National Task Force Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na kulang ang ginagawang COVID-19 testing ng bansa.   Ani Dizon, bagama’t ang peak single-day COVID-19 testing ay 80,000, na mayroong daily average na 70,000, ay masasabing hindi pa rin ito sapat.   “To the question is it enough? I don’t think […]

  • Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos sa halip na 60

    PARA mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo, nais ni Sen. Bong Revilla na ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa halip na 60 taong gulang. Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo. Sa sandaling maisabatas, lahat ng […]