• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, bumuo ng Election Task Force

BUMUO  ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center ang Department of Education (DepEd) para sa darating na eleksyon.

 

 

Ito ay upang gabayan ang mga public school teachers at personnel na na magseserbisyo para sa botohan sa Mayo 9.

 

 

Ayon pa sa kagawaran, ang pagbuo ng ETF ay tutulong sa Commission on Election (Comelec) na tiyaking malaya, maayos, tapat, mapayapa, at mapagkakatiwalaan ang gaganaping national at local elections sa bansa.

 

 

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang Election Task Force ay sisiguraduhin na mayroong sapat na impormasyon, teknikal at legal assistance ang mga guro at iba pang personnel na gaganap bilang mga miyembro ng Electoral Board.

 

 

Batay sa DepEd Memorandum No. 10, s. 2022, Itatalaga sina Education Undersecretaries Alain Del Pascua at Revsee Escobedo bilang DepEd ETF Operations and Monitoring Center chair at vice-chair.

 

 

Itatayo ang DepEd ETF sa Bulwagan ng Katarungan, sa DepEd Central Office sa Pasig City mula Mayo 8 hanggang 10 at magbubukas naman mula 1 p.m. hanggang 5 p.m. upang matiyak na sumusunod sa lahat ng mga ipinapatupad na kautusan at mga tagubilin na may kaugnayan sa election duties.

 

 

Pahihintulutan din na lumikha ang lahat ng regional at schools, maging ang mga city division offices ng kani-kanilang ETF Operations and Monitoring Centers sa parehong schedule.

 

 

Samantala, isasailalim naman sa umiiral na mga alituntunin at regulasyon ang pagbibigay ng honoraria sa mga opisyal at taugan na magseserbisyo sa kanilang mga ETF.

Other News
  • Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah

    Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo.   Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito.   Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]

  • Listahan ng multa sa single ticketing system aprubado na

    APRUBADO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang matrix ng multa naibabayad ng mga mahuhuling motorista na lalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng single ticketing system na nasa Metro Manila Traffic Code.       Inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang linggo ang multa mula P500 hanggang P10,000 depende sa violation […]

  • Pinas, naghahanda ng tax measures para bayaran ang COVID-19 response

    NAGHAHANDA na ang Department of Finance (DOF) ng fiscal consolidation proposal nito para sa gagawing pagpapataas sa singil sa buwis para pambayad sa tumataas na utang ng Pilipinas.     Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), na kasama sa kanyang panukala ang measures o mga hakbang […]