Clarkson mainit sa panalo ng Jazz
- Published on March 15, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPASABOG si Fil-American guard Jordan Clarkson ng career-high 45 points para tulungan ang Utah Jazz sa 134-125 pagligwak sa Sacramento Kings.
Kumonekta si Clarkson ng pitong triples at may perpektong 8-of-8 shooting sa free throw line para sa Jazz (42-25) na nanatili sa No. 4 spot sa Western Conference.
Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 26 points kasunod ang 25 markers ni Donovan Mitchell para sa Utah na kinuha ang 111-95 bentahe sa fourth quarter bago makalapit ang Sacramento sa 106-111.
Sa San Francisco, naglatag si Klay Thompson ng season-best 38 points para akayin ang Golden State Warriors (46-22) sa 122-109 pagdakma sa nagdedepensang Milwaukee Bucks (42-26).
Ang kabiguan ang pumutol sa six-game winning streak ng Bucks (42-26) na second placer sa Eastern Conference.
Sa Miami, umiskor si Jaylen Nowell ng 16 points at may tig-15 markers sina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards sa 113-104 panalo ng Minnesota Timberwolves (39-30) sa East-leading Heat (45-24).
Sa Chicago, naglista si DeMar DeRozan ng 25 points sa 101-91 pagsuwag ng Bulls (41-26) sa Cleveland Cavaliers (38-29).
Sa iba pang laro, dinomina ng Toronto Raptors ang Denver Nuggets, 127-115; panalo ang Indiana Pacers sa San Antonio Spurs, 119-108; at wagi ang Portland Trail Blazers sa Washington Wizards, 127-118.
-
Mami vendor sinisi pa: ‘Safety tips’ sa publiko, ibinida ng holdaper
“‘PRE pasensya kana, kinausap naman kita ng matino eh, ‘di mo kasi ibinigay…hindi sana mangyayari yun, ayaw mo kasi maniwala sakin eh.. kala mo nagbibiro ako.” Ito ang mensahe ng suspek sa kanyang biktimang “pares mami” vendor matapos na masakote sa isinagawang follow up operation ng Manila Police District PS 5 kagabi sa Baseco, […]
-
Ads December 19, 2023
-
Ads September 23, 2024