• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa showbiz na na-experience at matapang na hinarap: JULIA, memorable ang ‘high school life’ at never nakaranas nang pambu-bully

SA bagong youth comedy-drama series na The Seniors mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, pak na pak ang high school life sa Pacaque Rural High school kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, Awra Briguela at Julia Barretto.

 

 

Binuo ito at prinoduce ng box-office directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone at sa direksyon ng young director na si Shaira Advincula-Antonio.

 

 

Nagbabalik-series nga si Julia na fresh pa mula sa kanyang hit TV series na Di Na Muli at horror movie mula sa direksyon ni Brillante Mendoza na Bahay na Pula.

 

 

Makakasama niya rito ang dancer-actress na si Ella Cruz, ang singer-actress at dating miyembro ng Pop Girls na si Andrea Babierra, at ang actor-comedian na si Awra Briguela.

 

 

Ang The Seniors ay tungkol sa apat na senior high school students sa isang provincial public high school na sama-samang haharapin ang iba’t-ibang problema sa buhay at pag-ibig. Sa Pacaque National High School, kilala ang it-trio na “The Certifieds.”

 

 

Pinangungunahan ito ni Jennifer (Ella Cruz), ang overachiever Student Council President. Kasama niya ang “Muse” ng school na si Nicole (Andrea Babierra) at ang school Volleyball Team Captain na si Fifi (Awra Briguela).

 

 

Consistent sa pagiging star section, naniniwala ang tatlo na sila ang elite students ng kanilang eskwela at dapat ay parati silang magkakasama kahit anuman ang mangyari. Ngunit sa huling taon ng kanilang high school, maraming malalaking pagbabago ang kailangan nilang harapin.

 

 

Isa na rito ang pagdating ng maganda at matalinong transferee from Manila na si Diana (Julia Barretto). Sa kanyang pagdating, mas magiging masaya at mas maraming problema ang kanilang haharapin habang pilit na babalansehin ang magandang grades, pagkakaibigan at romantic relationships.

 

 

At bilang city girl from Manila na lumipat sa province, game changer ang role niya kaya na-threaten sa kanya ‘yung mean girls doon sa school and hina-harass talaga siya at binu-bully.

 

 

Hindi raw ito naranasan ni Julia noong nasa high school at naging maganda at memorable ang kanyang high school life at never siyang na-bully, noong nag-artista na lang siya nakaranas ng pambu-bully at matapang naman niyang hinarap, at patuloy lang ang buhay.

 

 

Sa direksyon ito ni Shaira Advincula-Antonio, ang young at award-winning Mindanaon short film director. Ang kanyang short film na Tembong ay nakarating na sa iba’t ibang international short film festivals gaya ng Guanajuato International Film Festival sa Latin America, International Inter-University Short Film Festival sa Bangladesh, at Short Cut Film Festival sa Serbia.

 

 

Dito sa Pilipinas, nagwagi ang Tembong bilang Best Short Film sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival at Gawad Urian Awards. Ito din ang unang series na ginawa niya.

 

 

Balikan ang saya at lungkot na kasama ng high school life sa The Seniors simula March 20, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macau, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe. At sa best viewing quality na ang inyong panonood dahil ang VIVAMAX ay compatible na with TV casting.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

 

 

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 

 

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna.

 

 

Mas affordable, mas maraming ways at mas madali na ang pag-subscribe. Kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gold kay Junna Tsukii

    Pinalakas ni national karateka Junna Tsukii ang kanyang pag-asang makasipa ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay matapos talunin ni Tsukii si Moldir Zhangbyr-bay ng Kazakhstan, 2-0 sa final round ng women’s -50 kilogram kumite at angkinin ang gold medal sa 2021 Karate 1 Premier League noong Linggo […]

  • Watch Michael Keaton and Wynona Ryder reunite in mayhem as Tim Burton’s “Beetlejuice Beetlejuice” teaser trailer gets summoned

    THE is loose once more! Michael Keaton returns to his iconic titular role, alongside Wynona Ryder and Catherine O’Hara with original director Tim Burton, in “Beetlejuice Beetlejuice.” Trouble follows the Deetz family as Lydia Deetz’s (Wynona Ryder) daughter Astrid (Jenna Ortega) accidentally sets off a series of events that opens a portal to the Afterlife. […]

  • Ads May 21, 2022