• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 49M OFFICIAL BALLOT, NA-IMPRENTA NA

MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.

 

 

Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR),

 

 

“Out of the 13 regions, including Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and Cordillera Administrative Region (CAR), we already printed 73.7 percent. Almost all are already 100 percent printed except for National Capital Region (NCR),” ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, head ng  poll body’s printing committee, sa  press briefing.

 

 

Samantala, sinabi ni Casquejo na nakapag-imprenta sila ng 4,755,360 mula sa kabuuang 7,289,791 na balota para sa Central Luzon.

 

 

Nakatakdang mag-print ang poll body ng kabuuang 7,322,361 na balota para sa NCR.

 

 

Iniulat din nito na ang manual ballots para sa local absentee voting  (LAV) na kabuuang  60,000 ay nakumpleto na rin.

 

 

Ang manual ballots para sa Office of Overseas Voting (OFOV) na may bilang na 79,800 at ang karagdagang 145 OFOV manual ballots para sa Philippine Embassy sa Rabat sa Morocco ay tapos na.

 

 

Samantala, kabuuang 86,280 balota para sa  63 barangays sa North Cotabato na bahagi ng  BARMM ang tapos na ring ma-imprenta.

 

 

Enero nang simulan ng Comelec ang opisyal na balota. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Maingay na videoke, karaoke, tv at radio, bawal

    MAKARAANG ipasa ng Local na Pamahalaan ng Navotas ang City Ordinance No. 2020-41, pormal nang ipinagbawal sa lungsod ang paggamit ng videoke at karaoke machines na anumang makalilikha ng labis at nakapangbubulahaw na ingay sa mga araw na may online classes ang mga estudyante.   Ang pagamit ng radyo, telebisyon, instrumentong pangmusika at iba pa […]

  • Vaccination centers sa mga schools para mapabilis ang vax rollout bago magsimula ang klase

    NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga local government unit (LGU) executives na makipagtulungan sa Departments of Education (DepEd), Health (DOH) at Interior and Local Government (DILG) sa paglalagay ng mga anti-Covid 19 vaccine centers sa kani-kanilang lokalidad, bilang suporta sa isinusulong ng Malacañang na masiguro ang ligtas na pagbabalik klase ngayong pasukan. […]

  • TOM HOLLAND TALKS ABOUT HIS STUNTS IN “UNCHARTED”

    GO behind-the-stunts of Columbia Pictures’ Uncharted on the hardest action sequence Tom Holland’s ever made. Watch the Stunts Vignette below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.     YouTube: https://youtu.be/3AQWVJDhAqg     About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover […]