• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BALIK NG PBA MAY HATID NA BUTI

KUMPIYANSA si House Deputy Speaker at NorthPort owner Michael ‘Mikee’ Romero na ang pagbibigay ng pahintulot para sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre 11, ang mahusay na libangan na maibibigay ng gobyerno sa publiko ngayong may Covid-19 pa rin.

 

Sa kasalukuyan halos lahat sa panig ng mundo nakikipaglaban aniya sa pandemya mula sa aspetong kaisipan at pinansiyal. Kaya hinihikayat ng kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang PBA para sa pagpapatuloy ng ika-45 edisyon via NBA-style bubble concept sa Clark, Angeles City, Pampanga.

 

“The resumption of the PBA will help the Pilipinos cope with depression and Covid. I am certain it will provide relief,” sambit ng mambabatas. “We need to relax a bit after months of anguish,” pahayag kamakalawa ng opisyal ng lehislatura.

 

Alam man ang kinalalagyang na mabigat na gawain ng pamahalaan upang mapahupa ang pandemic, tiwala rin si Rep. Romero, lumaro para national polo team sa 2019 SEA Games, sa mga namumuno sa professional hoops league na sinusuportahan din ng may ari ng koponan. (REC)

Other News
  • LTFRB aaralin ‘surge fee’ sa pamasahe ng jeep, bus tuwing rush hour

    PAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang transport groups na magpatupad ng “surge pricing” sa pamasahe ng mga jeep at bus tuwing rush hour at peak hours bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.     Ito ang sinabi ng board, matapos magpetisyon ang ilang grupo ng dagdag […]

  • Binata kulong sa marijuana

    KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.   Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.   Ayon kay Station Drug […]

  • Pinoy jins sumipa ng 10 medalya

    Sumipa ang national taekwondo jins ng dalawang ginto, dalawang pilak at anim na tansong medalya sa 2021 World Taekwondo Asia Poomsae Open Championships na ginanap via online.     Nanguna sa kampanya ng Pinoy squad sina June Ninobla at Cyd Edryc Esmaña na nakahirit ng ginto sa kani-kanyang kategorya.     Nasungkit ni Ninobla ang […]