Private hospitals na kakalas sa PhilHealth, balik-transaksiyon na
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK-TRANSAKSYON na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pribadong pagamutan na una nang nagbantang kakalas na sa state insurer, dahil sa pagkabigo nitong kaagad na mabayaran ang kanilang mga claims.
Ayon kay Dr. Shirley Domingo, vice president for corporate affairs ng PhilHealth, naresolba na ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at ng mga naturang private hospitals kaya’t balik-transaksiyon na ang mga ito.
“As of now, those who gave us some, who brought us some issue to our claims, nakipag-usap na kami dati at na-resolve po natin ‘yung mga issues,” paliwanag pa ni Domingo sa panayam sa Teleradyo.
“Therefore, we are happy to report that those hospitals, in fact, almost all hospitals, are now accredited,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Domingo na ang mga regional offices ng PhilHealth ay patuloy na nakikipag- reconcile ng kanilang claims sa mga private hospitals.
Tiniyak pa ng PhilHealth official na patuloy nilang pinaghuhusay ang kanilang sistema para i-fast track ang automation ng proseso para sa releasing claims ng mga pribadong pagamutan.
-
Teves, may kondisyon pa sa pag-uwi
NAGSUMITE ng ilang kundisyon ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Kamara para bumalik siya ng Pilipinas. Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, hindi naman mahihirap ang mga kundisyong inilatag nila kay Speaker Martin Romualdez na para lamang sa seguridad ni Teves. Tumanggi naman siyang tukuyin ang […]
-
P25 MILYON HALAGA NG SMUGGLED FOOD PRODUCTS, NASAMSAM
TINATAYANG mahigit sa P25 milyon halaga ng food items kabilang ang mga frozen peking ducks sa kabila ng ito ay ipinagbabawal dahil sa banta sa bird flu ang nasAmsam ng pinagsamang puwersa ng Bureau of Custom (BoC) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa Brgy Anunas, Angeles City, Pampanga. Dakong alas-12:30 ng […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 35) Story by Geraldine Monzon
HINDI naabutan ng mag-asawa si Andrea sa bahay kung saan ito namamasukan bilang kasambahay. Pero nalaman naman nila sa guard kung saan ito nagtungo kaya sinundan nila ito. Sa Villa Luna Subdivision sa harapan ng dati nilang tahanan na nakapinid ngayon bakas ang pinagdaanang trahedya ay naabutan nila ang isang dalagang nakatalikod at matamang […]