POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA).
Nakasaad aniya sa konstitusyon na maaaring suspendihin ng POC ng kahit na anumang dahilan ang anumang sports organization.
Nagpapakita aniya na sinadya ng PATAFA ang pagbalewala ng prinsipyo sa pagpromote ng sports developments.
Dagdag pa ni Tolentino na kahit na gumawa na sila ng hakbang para mag-meditiate sa alitan ng PATAFA at Obiena ay nanaig pa rin ang pride ng PATAFA.
Maaari lamang na matanggal ang 90-day suspension kapag naaayos na ang gusot sa pagitan ng PATAFA at kay Obiena.
Magugunitang tinanggal ng PATAFA si Obiena sa opisyal ng listahan ng mga manlalaro na sasabak sa 31st SEA Games sa Hanoi Vietnam ganun din ang hindi nila pag-endorso sa World Indoor championships.
Tagumpay ng Philippine sports para sa lahat — Ramirez
Hindi inangkin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang tagumpay ng bansa sa nakaraang taon.
Ito ang sinabi ni Ramirez sa kanyang speech matapos tanggapin ang Excellence in Leadership Award sa PSA Awards Night kamakalawa sa Diamond Hotel.
“This leadership award is not mine,” ani Ramirez. “Together we are part of Philippine sports history. I share this with all of you, for I cannot claim this award alone. Let’s work together for the betterment of Philippine Sports.”
Sa ilalim ng liderato ng 71-anyos na PSC chief ay nakamit ng Pinas ang kauna-unahang gold medal sa Olympic Games mula sa panalo ni weightlifter Hidilyn Diaz sa women’s 55 kilogram division sa Tokyo, Japan noong 2021.
Tinapos ng tubong Zamboanga City na si Diaz, hinirang na 2021 PSA Athlete of the Year, ang 97-taong paghihintay ng bansa sa Olympic gold.
“I am blessed to have been given the chance to be part of these milestones as one of the elders of these excellent Filipino athletes,” wika ni Ramirez, dating men’s basketball team head coach at Athletic Director ng Ateneo de Davao University.
Sa pamamahala rin ni Ramirez nakamit ng bansa ang overall championship ng Southeast Asian Games noong 2019.
Kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo ay ang pagbaba rin ni Ramirez sa PSC top post.
Magtatapos din ang pag-upo nina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin bilang Commissioners ng sports agency.
-
Abalos, ipinag-utos sa LGUs na maghanda para sa posibleng epekto ng El Niño
IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na maghanda para sa at pagaanin ang posibleng epekto ng El Niño sa kanilang lugar. Ang kautusan ni Abalos ay matapos na magpalabas ng El Niño alert ang state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagpapakita […]
-
Sotto swak pa rin para sa Gilas ‘Pinas training pool
IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto. “He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once […]
-
Inaming may pagkakataon na bumigay na at nagkasakit: AIKO, nahihirapang pagsabayin ang pagiging public servant at pag-aartista
KAHIT walang gintong medalyang napanalunan ay hindi naman umuwing luhaan ang Pinoy world champion gymnast na si Carlos Yulo sa katatapos lamang na 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England nitong November 6. Nakopo ni Carlos ang dalawang medalya at sapat na upang ipagbunyi siya ng buong Pilipinas; nasungkit […]