‘Build, Build, Build’, matagumpay ba? Ni-rate ng mga Presidential bets
- Published on March 21, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING magpatuloy ang sinasabing legacy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘Build, build, build” subalit kailangan ng malawakang improvement nito.
Ito ang inihayag ng karamihan sa presidential hopefuls sa presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), araw ng Sabado.
At nang hilingin sa mga presidential hopefuls na i-rate ang infrastructure program ng Duterte administration, sinabi ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang scheme ay maaari pang magiging “better and bolder,” lalo pa’t 12 lamang na proyekto mula sa 118 proyekto ang nakumpleto.
Para kay Ernesta Abella, maituturing na matagumpay ang nasabing proyekto subalit kailangan ng “push it beyond building structures.”
Pinuri naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang Build, Build, Build, subalit kailangan aniya niya itong rebisahing mabuti kabilang na ang “more housing, more schools, more hospitals, more post-harvest facility, more source of energy.”
Para naman kay Norberto Gonzales, kailangan ang masusing pagsusuri sa programa bago pa sabihing matagumpay ito.
Sinabi naman ni Vice President Leni Robredo na ipagpapatuloy niya ang inisyatiba, manghihiram o mangungutang siya ng pera para makompleto ang mga nasabing proyekto.
Bibigyang diin naman niya ang Public-Private Partnership sa halip na Official Development Assistance.
Gagamitin naman ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang “personal efforts” para makapagbigay ng pabahay sa mas maraming Filipino, at mas makabubuti aniya ang Build Build Build kung mas mapakikinabangan ito sa Mindanao.
Sinabi naman ni Jose Montemayor, dapat lamang na ipagpatuloy ang programa dahil sa umiiral na kontrata nito subalit kailangan na tiyakin ng pamahalaan na malayo ito sa korapsyon.
Kailangan naman ayon kay Faisal Mangondato na ang “rightful recipients” ang makinabang sa Build, Build, Build.
Sinabi naman ni Labor leader Leody de Guzman na ang pondo para sa imprastraktura ay magamit din sa iba pang usapin gaya ng kagutuman at kahirapan lalo na sa panahon ng pandemya.
“Na-resolve sana ang unemployment at kahirapan. Madami nga tayong expressway at tulay, pero madaming gutom na mamamayan. Walang kwentang gobyerno. Yung basic na pangangailangan ng mamamayan ay hindi natugunan. Ang pagtingin ko sa Build, Build, Build, binaon tayo sa utang,” ayon kay de Guzman. (Daris Jose)
-
DOH: COVID-19 holiday surge hindi pa nalusutan, paglobo ng kaso baka ‘mid-January’
Kahit na mababa ang mga naitatalagang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong mga nagdaang araw, hindi nangangahulugang nalusutan na ng Pilipinas ang paglobo ng mga kaso dahil sa nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH). Binabantayan kasi ng gobyerno ang biglaang pagsipa ng mga kaso dahil sa kaliwa’t […]
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]
-
Pedicab driver, 1 pa tiklo sa P272K shabu sa Valenzuela
Bagsak sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Christopher Sta. Maria, 44, pedicab driver at Jeffrey Adam Daluz, […]