• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cardinal Tagle, tuluyan nang gumaling sa COVID-19

GUMALING na mula sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle.

 

Ayon kay Pontificio Collegio Filipino (PCF) Rector Fr. Gregory Gaston, ang paggaling ni Tagle mula sa coronavirus ay isang magandang balita sa buong simbahan. Nais aniya ng Diyos na ipagpatuloy ni Tagle ang kaniyang misyon sa simbahan.

 

Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang Prefect of the Vatican’s Congregation for Evangelization of Peoples at president ng Caritas Internationalis dalawang linggo na ang nakalipas nang dumating dito sa bansa.

 

Huli niyang nakasalamuha si Pope Francis noong August 29 pero hanggang ngayon hindi naman kinakitaan ng sintomas ng virus ang Santo Papa.

Other News
  • Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer

    IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency.     Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa ­Myanmar.     Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na […]

  • Mahigit sa 1.3 milyong katao, apektado ng Carina, Butchoy – NDRRMC

    TINATAYANG umabot na sa 1.3 milyong katao sa buong bansa ang naapektuhan ng mga bagyong Carina at Butchoy na tumama sa bansa.           Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 1,319,467 katao o 299,344 pamilya ang naapektuhan ng mga nasabing bagyo. Sa mga naapektuhan, […]

  • Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games

    AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.     Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, […]