Pagtaas ng kontribusyon ng Pag-IBIG Fund members posibleng sa taong 2022 na
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
POSIBLENG sa 2022 maimplementa ng Pag-IBIG Fund ang dagdag na P50 sa buwanang kontribusyon ng kanilang miyembro.
Sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy na nakausap na niya ang mga stakeholders at pumayag umano ang mga ito.
Isa kasing itinuturong dahilan ng pag-antala ng increase ay dahil sa epekto ng COVID-19.
Sa orihinal na plano ay sa Enero 2021 na ito ipapatupad at dahil sa patuloy pa rin ang pandemic ay posibleng maantala ito ng isang taon.
“We recognize that a number of our members and several businesses are experiencing financial hardships brought about by COVID-19. We understand their plight and we want to help them in any way we can. That’s why we are studying the possible delay of the P50-increase in the members’ monthly savings right now. This is our contribution to the efforts of the administration of President Rodrigo Roa Duterte to alleviate the financial burden of our fellow Filipinos during these challenging times,” una nang inihayag ni Sec. Eduardo del Rosario, ang pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
-
Pagtiyak ng DFA: New York hindi ‘dangerous city’ para sa mga Filipino
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinong naninirahan at bumibyahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod. Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na […]
-
31st SEA Games: Chef De Mission Ramon Fernandez, kinalampag ang IATF para maisabak na sa bubble training mga atleta
Determinado na si Chef De Mission Ramon Fernandez na masimulan ang pagsasanay ng mga national athlete kahit sa Nobyembre pa ang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam. Dadaan pa kasi sa ilang hakbang para magawa ito, una ay ang paghingi ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) […]
-
Mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, SEA Games ipinapasama sa COVID-19 vaccination program
Hinihimok ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang pamahalaan na isama sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ang mungkahi na ito ni Romero ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1507, kung saan nananawagan […]