• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa pinagsasabi niya habang nasa Kakampinks rally: MELAI, pinagbantaan kasama ang mga anak kaya umaapela na mahanap ang BBM supporter

MAY bagong album si Ronnie Liang which he recorded para sa 125th Founding Anniversary ng Philippine Army.

 

 

has 12 songs at isa rito ay may titulong ‘Para sa Kapayapaan’ which has a matching music video.

 

 

Ang mga awitin na nakapaloob sa album were composed by the soldiers themselves.

 

 

The songs will be available soon in all digital platforms worldwide, tulad ng Spotify, itunes deezer, Apple Music, Amazon Music, YouTube music at iba pang online music portals.

 

 

Very thankful si Ronnie sa mga sundalo who willingly shared their songs para maisama niya sa album na handog niya para sa anniversary ng Philippines Army.

 

 

***

 

 

UMAPELA si Melai Cantiveros sa FB para mahanap ang isang BBM supporter who threatened her at ang kanyang dalawang anak.

 

 

Nasa Kakampinks rally si Melai at may sinabi siyang ganito: ‘Kapag di isinauli ang ninakaw, magnanakaw uli. Totoo naman di ba?’

 

 

Dito na nakatanggap nang matindi bashing si Melai mula sa mga tagasuporta ng mga Marcos. Pero ang isang matinding bash kay Melai ay ‘yung sinabihan ang comedienne-TV host na magnanakaw din ito, na galing sa nakaw ang ipinakakain niya sa kanyang mga anak, at nagbanta nang hindi maganda kay Melai at sa kanyang mga anak.

 

 

Kaya humihingi siya ng tulong sa Lawyers for Leni, na tiyak naman na tutulungan siya.

 

 

Kaya kung sino man itong basher na ito ay tiyak na mahahanap din at makakasuhan.

 

 

Kung ang basher ay may threat ng harm, dapat talaga ito kasuhan.

 

 

***

 

 

IPINADIRIWANG ng Beautéderm Corporation ang huling bahagi ng unang quarter ng 2022 dahil sa isang malaking milestone sa pagsalubong nito kay Bea Alonzo bilang opisyal na brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

 

 

“Perfect na digestive supplements para sa akin ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm because aside from being all-natural they help me in eating right at the right time while aiding my stomach to break down the food while strengthening my gut,” ayon kay Bea.

 

 

“Para sa isang very health conscious na katulad ko, perfect combination ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox sa pag- maintain ng isang healthy lifestyle. Kailangan kong maging malusog dahil para sa akin true beauté is really loving and taking care of myself first, and then I could extend that love and care to others.”

 

 

Ang President at CEO naman ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan ay naniniwala na si Bea ang best ambassador na kakatawan sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm.

 

 

“Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” pahayag ni Rhea.

 

 

“Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga priodidad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm.”

(RICKY CALDERON)

Other News
  • “Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas

    Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic.     Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking.     Batay sa Department of Social Welfare […]

  • Ryan Gosling & Emily Blunt’s On-Screen Reunion in “The Fall Guy”

    GET ready for ‘The Fall Guy’ with Ryan Gosling and Emily Blunt, a high-octane homage to Hollywood’s unsung heroes, coming to Philippine cinemas!     Hollywood’s glitz often overshadows the gritty, heart-thumping world of stunt performance—until now. “The Fall Guy,” featuring the dynamic duo of Ryan Gosling and Emily Blunt, is ready to catapult audiences […]

  • Mag live-in partner, 1 pa, timbog sa buy bust sa Valenzuela

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang mag live-in partner ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony David, alyas “Mak”, 37, motorcycle mechanic, live-in […]