Russian troops na napatay sa giyera nasa 17,000 na – Ukraine gov’t
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
HALOS 17,000 mga Russian troops na ang napatay sa Ukraine sa ngayon ayon sa isang Ukrainian General Staff.
Sinira umano ng mga pwersang Ukrainian ang 123 sasakyang panghimpapawid ng Russia, 127 helicopters, 586 tanks, 1,694 armored vehicles, 1,150 sasakyan, 66 UAVs, 73 fuel tankers at pitong bangka.
Ayon sa pinakabagong update mula sa Ukrainian General Staff hindi raw bababa sa 302 Russian artillery systems, 95 multiple rocket launcher systems, at 54 air defense systems ang nawasak din.
Ang nasabing mga datos ay ayaw namang kumpirmahin ng Russia.
Ang digmaan ng Russia sa Ukraine ay sinalubong ng pang-internasyonal na pagkondena, kasama ang European Union, US, at UK, bukod sa iba pa na nagpapatupad ng matitinding pinansiyal na parusa sa Moscow.
Hindi bababa sa 1,119 sibilyan na rin ang nasawi sa Ukraine at 1,790 ang nasugatan, ayon naman sa mga pagtataya ng UN.
Pero nagbabala ang UNA na ang tunay na bilang ay malamang na mas mataas pa raw.
Mahigit sa 3.82 milyong Ukrainians ang tumakas din sa mga kalapit na bansa, na may milyun-milyong higit pang lumikas sa loob ng bansa, ayon sa UN refugee agency.
-
Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’
FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA. At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili. Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa […]
-
Pfizer vaccines mapapaaga ang dating sa Pinas
Posibleng mapaaga ang pagde-deliver sa bansa ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer. Sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, na nakausap na niya si Secretary Carlito Galvez at mukhang may pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna, subalit hindi lang alam kung anong eksaktong buwan. Nauna nang sinabi […]
-
Ads November 14, 2024