Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
SA ISANG iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.
Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at naglista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).
Ito ang ikaanim na sunod na arangkada ng Celtics na nakamit ang top spot sa East dahil sa pagkatalo ng Philadelphia 76ers sa NBA-leading Phoenix Suns.
May magkaparehong baraha ang Boston at Miami, ngunit dalawang beses tinalo ng Celtics ang Heat ngayong season.
Nagposte ang Celtics ng double-digit lead sa second quarter patungo sa 72-49 pagbaon sa Timberwolves, nakahugot kay Anthony Edwards ng 24 kasunod ang 19 markers ni Karl-Anthony Towns.
Sa Phoenix, tumipa si Devin Booker ng 35 points at nag-ambag si Chris Paul ng 19 points at 14 assists sa 114-104 pagtusta ng Suns (61-14) sa 76ers (46-28).
Nagtapos ang three-game winning streak ng Philadelphia na nakakuha kay Joel Embiid ng 37 points at 15 rebounds.
Sa Washington, naglista si Corey Kispert ng career-high 25 points sa 123-115 panalo ng Wizards (32-42) sa Golden State Warriors (48-27).
Sa iba pang laro, tinalo ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Lakers, 116-108; lusot ang New York Knicks sa Detroit Pistons, 104-102; wagi ang Dallas Mavericks sa Utah Jazz, 114-100; at binigo ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 119-110.
-
MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains
Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines. Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng […]
-
Suporta ni Biden para sa Taiwan, ‘a ‘red line’ in ties”- Xi
NAGBABALA si Chinese President Xi Jinping sa Estados Unidos na huwag lumagpas o tumawid sa “red line” sa pagsuporta sa Taiwan. Sa kabila nito, sinabi ni Xi sa kanyang counterpart na si Joe Biden na nakahanda ang Beijing na makatrabaho ang incoming administration ni Donald Trump. Nagpulong sina Biden at Xi sa sidelines […]
-
Ads July 1, 2021