PBA bubble amenities kumpleto sa libangan
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9.
“Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang screen para makanood sa gabi. May bilyaran at table tennis.”
Asinta ng unang Asia’s play- for-pay hoop na matapos ang all-Pinoy conference ng Disyembre 9 o 11, dalawang buwan tatagal sa bubble ang players na aabot ng finals. Ang mga maagang masisibak pagkatapos ng 11- game eliminations at sa bawat yugto ng playoffs ay puwede nang lumabas.
“It’s all about the wellness of the players. Imagine two months ka doon doing nothing,” dugtong ni chairman Victorico Vargas ng Talk ‘ N Text. Hindi na pababalikin ng bubble ang lalabas ng lugar.
“Hiling ng players kung p’wede raw tig-isa silang k’warto,” wakas na na sambit ni Marcial. “Pero hindi talaga kakayanin, kaya sharing sila tigalawa sa isang kuwarto.” (REC)
-
Mayor Jeannie, namahagi ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng Bagyong Kristine
BINISITA ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers upang mamahagi ng tulong na pagkain at food packs sa mga pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine. “Mayroon na naman po kinakaharap na bagyo hindi lang ang mga lungsod sa Metro Manila, kasama ang […]
-
‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP
HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya. Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay. Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago […]
-
Kotse sumalpok sa trak: 4 patay, 1 kritikal
APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, kahapon (Biyernes) ng umaga. Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat […]