• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA

SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila.

 

 

“Sobra na po ang volume ng vehicles sa ating Kamaynilaan. Last year alone, 300,000 po ang nadagdag na vehicles sa buong Pilipinas at 60% to 70% po nyan ay pumapasok po sa Metro Manila,” ayon kay Artes.

 

 

Idinagdag pa ni Artes na ang mga concerned agencies at stakeholders na dumalo sa kamakailan lamang sa isinagawang Traffic Summit ay kapuwa sumang-ayon na ang mga sasakyan sa NCR ay dapat na mabawasan o ipakalat sa ibang lugar sa isang buong araw.

 

 

“Lahat din naman po nag-a-agree na kailangan magbawas ng bilang ng sasakyan sa kalsada or at least i-spread out all throughout the day,” ayon kay Artes.

 

 

Samantala, ipinagmalaki naman ni Artes na ang EDSA Bus Carousel program ng pamahalaan ay nakatulong para ma-cut ang end-to-end travel time ng mga mananakay dahil lumalabas na isang oras at 30 minuto na lamang ang travel time ng mga ito.

 

 

Aniya, ang end-to-end travel time sa EDSA ay naitala noon na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong oras. (Daris Jose)

Other News
  • 3 TNT staff pinagmulta

    TATLONG staff ng Talk ’N Text ang pinagmulta matapos lumabag sa dress code ng Philippine Basketball Association (PBA).   Pinadalhan ni PBA commissioner Willie Marcial ng sulat sina Ricardo Santos, Bong Lozano at Bong Tulabot kung saan pinagmulta ang bawat isa ng P1,000.   Napag-alaman na naka-shorts lamang sina Santos, Lozano at Tulabot sa laban […]

  • Mother-in-law na si Sylvia, pinupuri ng mga netizen: MAINE, binigyan ng bonggang bridal shower ng pamilya Atayde

    IBINAHAGI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pajama party na inihanda para sa bridal shower ng future daughter-in-law na si Maine Mendoza na ikakasal na sa panganay na anak na si Congressman Arjo Atayde.     Naganap ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023.     Kasama […]

  • EUGENE, matagal nang kinukumbunsi si POKWANG na lumipat sa GMA Network

    MASAYA si Eugene Domingo nang finally raw ay Kapuso na ang close friend niyangsi Pokwang, na matagal na pala niyang kinukumbunsi na lumipat sa GMA Network at ngayon nga ay nangyari na iyon.     Hindi raw itinuturing ni Uge na kalaban ang kaibigan na mahusay namang talaga at hindi lamang pagpapatawa ang kaya nitong […]