• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cool Smashers dumikit sa Finals

NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Muling nagpasabog ng malakas na puwersa si opposite hitter Tots Carlos na bumomba ng 26 puntos mula sa 21 attacks, apat na aces at isang block para pamunuan ang Cool Smashers na makalapit sa finals berth. Maliban dito, nagtala pa si Carlos ng 12 excellent digs.

 

 

“One thing na wino-workout namin ngayon, yung end game. During third set, bumababa ang laro namin kaya ‘yun ang ginagawa namin sa training,” ani Carlos na siyang kumana ng game winning ace.

 

 

Nakakuha rin ng solidong puntos ang Cool Smashers mula sa mga beteranong players na sina team captain Alyssa Valdez, Jema Galanza, Celine Domingo at Jeanette Panaga sa larong dinaluhan ng mahigit 5,000 fans na dumagsa para manood ng live sa venue.

 

 

Dominado ng Cool Smashers ang attack line matapos magtala ng 58 kills laban sa 33 lamang ng Flying Titans.

 

 

May 10-7 edge rin ang Creamline sa blocks at 9-3 bentahe sa aces habang solido rin ang floor defense ng Cool Smashers na may 82 digs.

 

 

Sa unang laro, tuloy ang matikas na ratsada ng Cignal HD matapos patumbahin ang PetroGazz, 25-21, 25-23, 25-23 upang makalapit sa finals spot.

Other News
  • Signal jamming, no fly zone ipatutupad sa Traslacion 2024

    INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chiefGen. Benjamin Acorda Jr. na ipapatupad ang signal jamming at no fly zone sa lungsod ng Maynila sa mismong araw ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.     Ayon kay Acorda, walang oras kung kailan magsisimula at magtatapos ang signal jamming at no fly zone dahil […]

  • Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC

    PINAGSUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa.     Kabilang umano sa ilalagay sa report ang toneladang shabu na araw-araw ay dumadagsa sa Pilipinas, sa kabila […]

  • Mga Pinay baller tampok sa WNBL

    BIBIGYAN ng pansin ng Women’s National Basketball Leagueb (WNBL) sa unang taon ang pagpaparada sa mga purong Pinay basketbolista.   “Both NBL (National Basketball League) and WNBL are strictly for all Pilipino players because my point in putting up WNBL, I have always believed even during my pro league days that there’s a surplus of […]