• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinay baller tampok sa WNBL

BIBIGYAN ng pansin ng Women’s National Basketball Leagueb (WNBL) sa unang taon ang pagpaparada sa mga purong Pinay basketbolista.

 

“Both NBL (National Basketball League) and WNBL are strictly for all Pilipino players because my point in putting up WNBL, I have always believed even during my pro league days that there’s a surplus of women players in the Philippines,” deklarasyon kamakalawa ni NBL executive vice president Rhose Montreal.

 

Dinugtong ng opisyal, “So I might as well give them the exposure and then getting imports or getting Pil-Fors to play will come later I guess but what I really wanted for the first season is that it’s going to be an All-Pilipina composition for WNBL.”

 

Masaya ang naging tugon ni Gilas Pilipinas women’s basketball cagers Maria Beatrice ‘Bea’ Daez-Fabros at Danica Therese Jose sa pagpasok ng WNBL na binasbasan ng Games Amusements Board sa nakalipas bilang bagong propesyonal na liga sa bansa.

 

“I hope that this league will be very much sustainable and it really opened a lot of doors to Pilipina ballers now that the league is here,” reaksiyon nang naglaro sa Ateneo de Manila University Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

Dinagdag naman ng dating University of the Philippines Lady Maroons playmaker na si Daez-Fabros: “I think it’s a dream come true for all of us female ballers.”

 

Balak din ng liga na mag-rookie draft sa susunod na buwan. (REC)

Other News
  • MOTOR SUMEMPLANG, SEKYU DEDBOL SA VAN

    ISANG 51-anyos na security guard ang nasawi matapos aksidenteng magulungan ng isang van makaraang sumemplang ang kanyang sinasakyang motorsiklo dahil sa madulas na kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Vicente […]

  • Shabu, cash nasabat sa mga preso sa women’s correctional

    ILANG sachet ng hinihinalang shabu at malaking halaga ng cash ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kahapon (Miyerkoles).   Sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology sa pasilidad, nakuhanan ang ilang preso ng […]

  • Velasco kay Cayetano: ‘Railroading’ at ‘flawed procedure’ ang ginawa nyo sa 2021 national budget’

    MARIING kinondena ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito dahil sa “pag-railroad” sa 2021 pro- posed P4.5-trillion national budget na nagresulta sa suspensyon ng plenary sessions hanggang Nobyembre 16.   Sinabi ni Velasco, ang ginawa ng kampo ni Cayetano ay salungat sa commitment nito na gawing bukas, […]