• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec

PUMALO  na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.

 

 

Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon.

 

 

Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police officers, at 10 military personnel.

 

 

Nakumpiska naman sa mga lumabag sa isinagawanf 2,209 police operations ang 1,785 firearms, 10,157 piraso ng bala at 826 deadly weapons.

 

 

Ayon sa PNP, karamihan sa mga violators ay mula pa rin sa National Capital Region na mayroong 854, Calabarzon, 250 at Central Visayas na may 241.

 

 

Sa ilalim nga ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Comelec ang pagbitbit ay pagbiyahe ng mga baril at deadly weapons sa labas ng kanilang bahay mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

 

 

Exempted sa gun ban ang mga law enforcers, pero dapat ay otorisado ng Comelec at dapat ay nakasuot ang mga ito ng agency-prescribed uniform habang nakaduty sa kasagsagan ng election period.

Other News
  • PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%

    Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.   Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020. […]

  • Pinoy billiard player Carlo Biado, kampeyon sa 2021 US Open Pool Championships

    Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.     Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8.     Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early […]

  • Ads March 21, 2023