Mayor sa Ukraine at pamilya nito, natagpuang patay at nakatali pa ang mga kamay
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
NATAGPUAN ng mga awtoridad sa Ukraine ang katawan ng limang sibilyan kabilang ang Mayor at asawa’t anak nito na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa west ng Kyiv.
Ayon sa awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa isang kagubatan malapit sa bahay nito sa Motyzhyn.
Ang isa namang bangkay ay narekober mula sa isang maliit na balon na nasa isang harden.
Ang dalawang kalalakihan naman na hindi parte ng pamilya ng alkalde ay nakatali ang kanilang mga kamay sa kanilang likuran.
Natukoy ang mayor na si Olga Sukhenko, 50 anyos na dinakip ng Russian troops kasama ang kaniyang asawa’t anak noong Marso 24 matapos na tumangging makipag-cooperate sa pwersa ng Russia.
Nito lamang ding nakaraang araw nadiskubre ang mga bangkay ng daan-daang mga sibilyang Ukrainians na nagkalat sa mga kalsada at sa mass graves o libingan na pinaniniwalaang biktima ng massacre ng Russian forces.
-
MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP NAARESTO SA NAIA
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa kabila ng pagtatago nito sa kanyang pagkakakilanlan . Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Omar Bin Harun, 52, ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 paglapag niya sakay ng Philippine […]
-
KOBE, dumaan din sa matinding depresyon na ramdam pa hanggang ngayon
INAMIN ni Kobe Paras sa post niya na dumaan din siya noon sa matinding depresyon na maituturing na lowest point ng kanyang buhay. Isang screenshot ang ibinahagi niya na may caption ng, “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just […]
-
1,000 pulis idineploy sa libing ni ex-President Noynoy
Nasa 1,000 pulis ang naatasang idineploy sa funeral procession ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon. Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar unang nagpakalat ng mga pulis sa Ateneo de Manila University sa Quezon City kung saan isinagawa ang misa sa dating Pangulo hanggang sa procession route sa C5 Road at […]