• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP

PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday.

 

 

Ito  ang paalala ni Philippine National Police  chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon.

 

 

Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto sa paggunita sa  Holy Week

 

 

Sinabi ni Carlos na mahigpit nilang babantayan ang mga aktibidad sa mga pampublikong lugar sa mga nabanggit na mga araw gayundin ang mga politiko at kanilang mga supporters.

 

 

Agad nilang ipaaalam ito sa Comelec upang  mabigyan ng  kaukulang parusa.

 

 

Ang paalala ay ginawa ng PNP chief kasabay ng paghahanda ng PNP para sa darating na Semana Santa.

 

 

Una nang binilinan ng PNP chief ang lahat ng field commanders na siguraduhin ang police visibility at magtatag ng mga police assistance centers sa mga lugar na tradisyunal na dinudumog ng mga tao sa panahong ito, partikular sa mga transportation hubs at sa mga major highways patungo sa mga lalawigan.

 

 

Kamara naghahanda na sa canvassing of votes

 

 

Naghahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng presidente at bise presidente sa bansa.

 

 

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.

 

 

Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga mambabatas sa Kamara ng executive session para sa briefing ng Comelec sa National Board of Canvassers-Congress para sa paggamit ng CCS sa halalan.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa publiko partikular na sa mga botante na bawat boto ay mabibilang ng tumpak.

 

 

Ang deployment ng CCS equipment ay inaasahan sa huling linggo ng Abril.

Other News
  • Pilipinas, malapit nang maabot ang COVID-19 endemic stage – eksperto

    NANINIWALA si infectious diseases expert Dr. ­Rontgene Solante na malapit nang maabot ng bansa ang tinatawag na “endemic stage” ng COVID-19 sa kabila ng pagluluwag sa paggamit ng face mask at bagal ng pagpapabakuna sa ngayon.     “Malapit na. Sa tingin ko, maaabot din natin ‘yan. We just have to continue our ginagawa ngayon […]

  • Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.   Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]

  • Lorna at Ria, apektado rin dahil sa ‘Monster’: SYLVIA, nadurog ng todo ang puso bilang isang ina

    NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong ika-11 Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama na ‘Monster.’  Nagsimula ang partnership ng mag-inang Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna last summer nung sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France […]