• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Police power kailangan laban sa agri smugglers- DA exec

BINIGYANG diin ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan para sa ahensiya na mabigyan ng police power para arestuhin at kasuhan ang mga smugglers sa bansa, maging ito man ay technical o outright.

 

 

Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado kasi ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang sila sa Bureau of Customs (BoC).

 

 

“Kung gusto n’yong magkaroon ng ngipin ang departamento laban sa smuggling, bigyan po natin ng kapangyarihan, ng mandato, na makapag-file, apprehend, and file cases against smugglers. Pero sa ngayon po sa batas, wala pong magagawa ang DA, kundi umasa sa BOC, kasi sila ‘yung naroon sa batas na may kapangyarihan noon,” ayon kay Adriano.

 

 

Nauna rito, nabanggit na ng DA ang ilang schemes o pamamaraan na ginagamit ng mga smugglers kabilang na ang “misdeclaration, undervaluation, at outright smuggling.”

 

 

Ang paliwanag ni Adriano, iniaalok ang smuggled products sa mas abot-kayang halaga dahil sa mababang produksyon nito at deliverty cost.

 

 

“Kung mahuli sila ng isang beses, pero kung maging successful sila sa second, or third attempt nila na mag-smuggle, kikita pa rin sila kasi malaki nga ‘yung price difference,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, nagsasagawa na ang DA ng imbestigasyon para matunton ang di umano’y grupo ng technical smugglers sa loob ng kanilang departamento.

 

 

Binanggit din nito ang pinaigting na kolaborasyon ng DA sa BOC, na aniya’y nagsasagawa rin ng sarili nitong administrative investigation.

 

 

“‘Yung manifest ng iniimport at kung saan galing na bansa ‘yung import na ‘yun ay ishe-share sa atin, ito recent lang nagpirmahan po ang departamento ng agrikultura at BOC about that, ” ayon kay Adriano. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Mga nakabili ng tickets para sa FIFA World Cup 2022 aabot na sa halos 3-M

    AABOT na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar.     Ayon kay World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na ang pangunahing bansa na nakabili ng tickets ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia.     Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang […]

  • Buhay ‘gumanda’ para sa 33% ng Pinoy, mas mababa pa rin vs pre-pandemic — SWS

    MAS UMAYOS daw ang pamumuhay ng 33% ng Pilipino sa nakalipas na 12 buwan ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), ito sa kabila ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.     Ito ang ibinahagi ng survey firm nitong Martes. Nagmula aniya ito sa face-to-face interviews sa 1,500 katao […]

  • Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg

    MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration  sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5.     Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, […]